Friday, February 28, 2014

Baril, mga Bala at Kagamitan ng NPA Narekober sa Engkwentro sa Camarines Sur


From the Website of Philippine Army 
links: http://www.army.mil.ph/pr/2014/feb/230214_3.html


Baril, mga Bala at Kagamitan ng NPA Narekober sa Engkwentro sa Camarines Sur

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur- Isang 9MM pistol mga bala at iba pang kagamitan ng mga rebeldeng New Peoples Army ang narekober ng mga sundalo sa engkwentro sa Sityo Caliriohan, Barangay Bagong Silang sa Bayan ng Pasacao, Camarines Sur dakong alas 4:00 ng hapon kahapon.
Ayon kay Captain Mardjorie Paimela Panesa, Public Affairs Officer ng 9th Infantry Division ng Philippine Army habang nagsasagawa ng security operation sa lugar ang mga sundalo mula sa 42nd Infantry Battalion sa pamumuno ni 1Lt. Brandy Tangob nang makasagupa ang mahigit kumulang 10 mga armadong rebelde.
Kabilang sa mga narekober ng mga sundalo sa tatlong minutong sagupaan ang isang ICOM radio, cell phone, dalawang back pack na naglalaman ng mga personal na gamit at subersibong dokumento.
Walang nasugatan sa tropa ng pamahalaan at hindi naman matiyak sa panig ng mga rebelde.
Ito na ang pang tatlong engkwentro na naitala sa naturang lalawigan ngayong taon at ang pinakahuli ang dalawang magkasunod na bakbakan sa Bayan ng Ragay.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Army sa Bikol na patuloy na magbabantay at pangangalagaan ang katahimikan laban sa mga rebeldeng grupo.
Press Release by the 9Id, PA



PHILIPPINE ARMY WEBSITE
AFP Websites


Article links



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment