Friday, February 07, 2014

Mga sibilyan ang napatay, nasugatan at nadakip ng PNP sa labanan sa Sorsogon City


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/02/mga-sibilyan-ang-napatay-nasugatan-at.html#more





Saturnino

Sine Proletaryo and
Regional Propaganda Bureau, Southern Mindanao Region
[With UPDATED English and Pilipino SUBTITLES]

YouTube Video



On December 4, the residents of Saturnino, a farflung barrio in Compostela Valley gathered to celebrate their community's recovery from the devastation wrought by typhoon Pablo. With the Red fighters, the Ang Bayan staff and a number of regional Party cadres, Saturnino's residents hailed the victories achieved by their village with the help of the Party and the New People's Army this past year. The celebration was led by the local Party branch.

------------------------------------------------------------------------------

Mga sibilyan ang napatay, nasugatan at nadakip ng PNP sa labanan sa Sorsogon City

Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command, BHB-Sorsogon
Pebrero 1, 2014

PAREHONG sibilyan ang napatay na si Henry Orbena at dinakip na si Bryan Gallega sa sagupaan sa tsekpoynt ng PNP sa Cabid-an, Sorsogon City noong gabi ng Enero 30. Taliwas ito sa pinalalabas ng pulisya na ang dalawa ay kabilang sa grupo ng New People's Army na nakalaban nila.

Napag-alaman namin na ang magpinsang Orbena at Gallega ay mga trabahador sa planta ng coconut water na malapit sa pinangyarihan. Madali itong mapatutunayan ng kanilang mga katrabaho, kakilala at kapamilya sa kanilang lugar sa bayan ng Irosin.


Si Orbena ay tinamaan sa walang rendang pagpapaputok ng mga pulis. Pawang mga bala ng ripleng M16 ang nakapatay sa kanya. Puro maiiksing baril ang dala ng mga operatiba ng NPA.

Ayon sa mga sangkot na pulis, hinabol nila ang grupo ng NPA sa direksyong patungo sa Sea Breeze Subdivision at inabutan at nahuli nila si Gallega. Hindi doon ang direksyon ng pag-atras ng mga Pulang mandirigma kundi sa kabilang direksyon patungong Barangay Buhatan. Hindi rin totoo ang sinasabi ng PNP na naagawan sila ng NPA ng dalawang ripleng M16.

Nararapat lamang na aminin ng Sorsogon PNP ang mga katotohanang ito at harapin ang kanilang pananagutan sa pagkamatay ni Orbena at palabasin sa bilangguan ang hinuling si Gallega. Ang Celso Minguez Command ng NPA-Sorsogon ay makikipag-ugnayan din sa mga kaanak ng mga nadamay upang makapagpaabot ng anumang maitutulong sa kanila.











OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment