Friday, November 29, 2013

VIDEO: NDFP-EV denounces Aquino government’s inutility in aiding calamity victims, calls for speedy humanitarian assistance


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/11/ndfp-ev-slams-aquino-regimes-refusal-of.html


National Democratic Front of the Philippines - Eastern Visayas
November 28, 2013

The National Democratic Front of the Philippines in Eastern Visayas denounces the Aquino government as utterly despicable for refusing to reciprocate the revolutionary movement's ceasefire in areas affected by Typhoon Yolanda (international name: Haiyan). The revolutionary movement in the region has declared a unilateral ceasefire up to mid-January 2014. The Aquino government's regional military commander, Maj. Gen. Jet Velarmino, is particularly reprehensible for saying, "We did not make a declaration of ceasefire even after the typhoon. They are enemies of the state."

We may be enemies of the state, but we are the friends of the people, their interests come first. On the other hand, what else can we call the Aquino government and its military, except as enemies of the people for refusing a ceasefire that would facilitate aid to the Typhoon Yolanda victims?

The Aquino government troops showed no compunction in continuing their offensives against the New People's Army even while the region was still reeling from the typhoon's aftermath. Gen. Velarmino's troops from the 8th Infantry Division are still on combat operations under Oplan Bayanihan in the central parts of Samar island. Aside from search and destroy missions, they are also harassing villagers suspected of supporting the NPA. It goes to show the Aquino government and its military have no concern for the plight of the people.

Tacloban City and other calamity areas are virtual garrisons. Right after the typhoon, the Aquino government sent armored cars and armed troops to Tacloban as a “show of force” to the hungry and desperate people, who were not receiving any government aid and commandeering whatever they needed to survive. Today there are several military checkpoints at the entrances and exits to the city, and the people are subjected to curfews, and accosted and treated like criminals. Meanwhile, so-called bunkhouses have been hastily constructed where homeless families are to be herded like cattle into cramped confines. This scenario is replicated in other areas that are suffering from the typhoon's aftermath. All these show the Aquino government regards the people with contempt, showing little concern over their sufferings, and enforcing their subservience to the armed might of the state.

Is the Aquino government refusing a reciprocal ceasefire because it is not serious about long-term reconstruction in Eastern Visayas? At present, the Aquino government is making a mockery of the relief and rehabilitation in region. The typhoon victims live by the day, hoping they will have something to eat the next day, vulnerable to starvation and disease. There is also no long-term plan for the urban and rural poor as well as the middle-class who lost their homes and livelihoods, while the vultures of corruption have started circling. Without any socio-economic reforms, without any public consultation and transparent governance, the big bureaucrats and big businesses will surely take advantage of the people's plight in order to profit from corruption in the massive reconstruction effort needed. As an added insult to the victims of Typhoon Yolanda, the US and Philippine governments are rushing towards an agreement justifying the basing of US military troops in the country in violation of national sovereignty. It seems the reason why there is no ceasefire for Aquino's troops is that they are there to ensure that it will be business as usual in keeping the people in their state of exploitation and oppression.

The people will hold the Aquino regime to account for refusing a reciprocal ceasefire to facilitate aid to the typhoon victims. The victims of Typhoon Yolanda and the rest of the people will surely rise from their grief to demand for a reconstruction favoring the people, as well as socio-economic reforms for the long term in the region and other calamity areas. If the Aquino government cannot bring itself to call even a limited ceasefire in the name of humanity, how much more a just and lasting peace? #



----------------------------

Tuligsain ang rehimeng Aquino sa walang lubay na opensiba sa harap ng sakuna at deklarasyon ng tigil-putukan--PKP

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Nobyembre 26, 2013


Tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Aquino at ang armadong pwersa nito sa paglulunsad ng walang lubay na armadong opensiba at brutal na mga kampanya ng panunupil sa Eastern Visayas, Panay at Negros na tahasang pag-upasala sa malawak na masa at ganap na pagbalewala sa kanilang kahilingan para sa isang pansamantalang pagtigil ng armadong labanan upang makapagbigay ng lubos na pansin sa gawaing _relief_ at rehabilitasyon.

"Pataksil na sinasamantala ng rehimeng Aquino at ng armadong pwersa nito ang deklarasyon ng tigil-putukan ng PKP upang makapaglunsad ng walang lubay na opensibong operasyon laban sa Bagong Hukbong Bayan at sa masang magsasaka sa mga rebolusyonaryong lugar," anang PKP. Noong nakaraang dalawang araw, inianunsyo ng Komite Sentral ng PKP ang isang isang-buwang pagpapalawig sa deklarasyon ng tigil-putukang inilabas para sa mga kumand ng BHB sa Eastern Visayas, Central Visayas, mga isla ng Panay at Negros. Ang pinalawig na panahon ng tigil-putukan ay naglalayong mahayaan ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa na makapagkonsentra sa kagyat na tungkulin ng rehabilitasyon at paggigiit ng pang-ekonomyang karapatan ng mamamayan sa harap ng sakuna.


"Pinipigilan ng malawakang mga opensibong operasyon ng AFP ang mamamayan at ang mga rebolusyonaryong pwersa nila sa pagsasagawa ng gawaing _relief_ at rehabilitasyon para sa sakuna at mas pinahihirap pa ang tungkulin ng muling pagbuhay sa produksyong pang-ekonomya," anang PKP.

Inilabas ng PKP ang pahayag na ito kahimat ipinamamarali ng AFP na sumiklab ang labanan matapos diumanong paputukan ng isang yunit ng BHB ang mga sundalo ng 11th Infantry Battalion sa Barangay Pitogo, La Libertad, Negros Oriental noong Linggo. Sang-ayon sa deklarasyon ng tigil-putukan na inilabas ng pamunuan nito, anang PKP, magpapaputok lamang ang mga yunit ng BHB bilang akto ng aktibong depensa laban nag-oopensibang mga yunit ng AFP.

"Kahit nagkukumahog pa ang mamamayan sa paghahanap ng kagyat na alwan mula sa pang-ekonomyang pagkasalantang dulot ng superbagyo, nagdeklara naman, ilang araw na ang nakaraan, ang mga hambog na tagapagsalita ng 3rd ID na hindi maglulubay sa kanilang operasyong militar ang kanilang pwersa at nakatuon sa paglulunsad ng gera laban sa BHB. Nagresulta ang opensiba ng AFP sa isang armadong sagupaan sa Kabankalan City, Negros Occidental noong isang lingo sa isang yunit ng BHB na naglulunsad ng gawaing rehabilitasyon," pagdidiin ng PKP.

"Sa kabila ng deklarasyon ng tigil-putukan, puputok at puputok ang mga armadong sagupaan kapag nagpatuloy ang AFP na igiit ang paglulunsad ng mga opensibong operasyon laban sa mamamayan at sa kanilang hukbong bayan at mga yunit milisya, na nag-oobliga sa mga armadong rebolusyonaryong pwersa ng mamamayan na ipagtanggol ang kanilang sarili," dagdag ng PKP.

"Ang pinalalabas na partisipasyon ng mga sundalo ng AFP sa operasyong _relief_ para sa sakuna ay ginagawa lamang sa mga sentrong urban at mga haywey kung saan naroon ang midya. Ang totoo, sa kabila ng kagyat na pangangailangan na imobilisa ang lahat ng posibleng rekurso, mas malaki pa din ang rekurso ng AFP na inilalaan sa tinaguriang mga kontra-insurhensyang operasyon sa ilalim ng brutal na gerang mapanupil ng Oplan Bayanihan laban sa mamamayan," anang PKP.

"Nagsisilbi lamang ang mga agaw-pansing mga operasyong _relief_ na isinagawa ng sentral na punong himpilan ng AFP upang tabingan ang nagpapatuloy na brutal na gerang inilulunsad ng mahigit 11,000 sundalo ng 8th at 3rd ID ng AFP sa mga interyor at baybaying dagat ng mga isla ng Samar, Leyte, Panay at Negros," pagdidiin ng PKP.

"Iginigiit ng mamamayan ang kagyat na pang-ekonomyang tulong sa gitna ng grabeng kahirapang dulot ng pagkasalantang hatid ng kamakailang superbagyo," anang PKP. "Sa pamamagitan ng walang lubay na mga opensiba at mga kampanya ng panunupil, ipinamamalas lamang ng AFP ang lansakang pagbalewala sa kagalingan ng mamamayan."

"Ang pagpapataw ng AFP ng patakaran ng batas militar sa kanayunan at sa mabubundok na lugar ay nakapagpapabagal sa pang-ekonomya at pangkomersyong aktibidad ng mamamayan at nagpapahirap pang lalo sa gawaing rehabilitasyon," anang PKP. "Kung kaya, iginigiit ng mamamayan na iatras ng mga sundalo ng AFP ang mga pwersa nila sa mga interyor na lugar at manatili sila sa baraks para madulas na maisagawa ang gawaing rehabilitasyon sa mamamayan."

"Lubos na batid na AFP na marami sa mga lugar na hinagupit ng superbagyo ay nasa saklaw ng operasyon ng Bagong Hukbong Bayan at nasa hurisdiksyon ng nakatayong mga organo ng rebolusyonaryong organo ng paggugubyerno," anang PKP. "Karamihan sa mga lugar na ito ay wala sa prayoridad ng gubyernong Aquino sa nakaraan at hanggang sa ngayon sa harap ng patuloy na hindi ito naaabot ng mabagal at walang silbing operasyong _relief_ ng rehimen."






  Article links:

http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/11/ndfp-ev-slams-aquino-regimes-refusal-of.html

http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/11/tuligsain-ang-rehimeng-aquino-sa-walang.html





OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment