links: http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140121#
Istatus: SMR
An interview with Ka Simon Santiago, Political Director of the Merardo Arce Command, NPA-Southern Mindanao Region.
Santiago relates the comprehensive victories of the revolutionary movement in SMR, paticularly in the field of base-building, armed struggle and extablishment of revolutionary people's democratic government. Istatus:SMR is the third in a series of video features which present the situation and victories achieved by the CPP in the different regions in the Philippines, as well as the challenges confronting the revolutionary forces in further advancing the people's war.
Watch on youtube:http://youtu.be/EcwAVPCIJrohttps://www.youtube.com/watch?v=EcwAVPCIJro

-------------------------------------
Ang internasyunal na kalagayan at ang papel ng Rebolusyong Pilipino sa pandaigdigang proletaryong rebolusyon
Talumpati sa isang Porum ng mga Aktibista sa New York City, Enero 24, 2014
Ni Prof. Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag
Partido Komunista ng Pilipinas
Translation: International situation & role of the Philippine Revolution in the world proletarian revolution
Mahal na mga Kababayan at Kaibigan,
Salamat sa pag-imbita sa akin. Ipinaaabot ko ang aking maalab na pakikiisa at pagbati ng bagong taon sa pakikibakang anti-imperyalista at demokratiko ng mamamayan.
Lubos akong nagagalak na ipinagdiriwang ninyo ang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansang paglaya at demokrasya nitong nakaraang 45 taon. Pinamumunuan na ng Partido Komunista ng Pilipinas sa patnubay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang pakikibakang ito mula pa noong 1968.
Naatasan akong ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng US at daigdig, ang epekto nito sa rebolusyong Pilipino at ang papel ng rebolusyong ito sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Mahirap gawin ang atas sa loob lamang ng 15 minuto. Sana'y magbunsod ang paglalahad kong ito ng ibayo pang talakayan sa inyong hanay.
h4. I. Mga mayor na punto sa Kalagayan ng US at ng Daigdig
Mula nang maganap ang matinding krisis sa pinansya noong 2008, tumagal at lumala ang krisis sa US at ng pandaidigang sistemang kapitalista. Hindi makita kung kailan ito matatapos dahil nangungunyapit sa neoliberal na patakaran sa ekonomya ang mga imperyalistang kapangyarihan at ang monopolyo burgesya. Ibinunsod nito ang walang habas na pagpiga ng mga kapitalista ng tubo mula sa mga manggagawa sa proseso ng produksyon, at ang ibayo ring akumulasyon ng kapital sa pamamagitan ng proseso ng pinansyal na kapitalismo.
Sa ilalim ng patakarang neoliberal, ginagamit ang estado upang ibaba ang sahod sa anumang pamamaraan. Kaya mas madalas at mas malala ang pag-ulit ng krisis ng labis na produksyon kaysa dati. Ang tinitindigan ng patakarang ito ay ang paniniwala na maaaring kontrahin ang pagtirik ng ekonomya sa pamamagitan ng pagpapalaki ng suplay ng salapi at pautang. Binigyan ng monopolyo burgesya ng lisensya ang sarili nito na mabilis na makapagkamal ng kapital sa mga pamamagitan ng pagbawas sa buwis at mga kontrata sa suplay mula sa estado, liberalisasyon ng pamumuhunan, kalakalan at pinansya, pribatisasyon ng mga ari-arian ng estado, deregulasyon ng anumang alituntuning pumoprotekta sa paggawa, lipunan at kapaligiran at denasyunalisasyon ng atrasado at dependyenteng mga ekonomya.
Ang paspasang akumulasyon ng produktibo at pinansyal na kapital sa kamay ng monopolyong burgesya at ng oligarkiya sa pinansya nito ay nagbunsod ng krisis ng labis na akumulasyon ng kapital at nagpalala at nagpalalim sa krisis ng labis na produksyon sa pamamagitan ng pagganyak ng disempleyo, pagdarahop at malaking pagkakaiba sa kita ng 1 porsyento ng populasyon sa iba pa. Ginagamit ang pondong publiko para salbahin ang malalaking bangko at ilang korporasyon sa military industrial complex at para pasiglahin ang pamilihan sa pinansya ngunit nanatiling tigil ang buong tunay na ekonomya.
Sa mga kapitalistang bansa, naglulunsad ng mabangis na makauring pakikitunggali sa proletaryado ang monopolyo burgesya at ginagawa ang lahat ng karahasan at panlilinlang upang mahadlangan at madiskaril ang proletaryado sa makauring tunggalian na dapat ay makatarungang ilunsad nito laban sa monopolyo burgesya. Gayunpaman, ang lumalalang kalagayan ng krisis ay nagpapaalab sa proletaryado (kasama ang kabataan, kababaihan, iba't ibang komunidad at iba pang mamamayan) upang maglunsad ng demokratiko at anti-imperyalistang pakikibaka para sa kagyat na kaluwagan, upang itakwil ang kapitalistang sistema ng pagsasamantala at pang-aapi at upang ipaglaban ang sosyalismo.
Hangad ng sambayanang lumaya mula sa hagupit ng kawalang hanapbuhay, kawalang tahanan at kahirapan, pagsirit ng presyo ng mga batayang produkto at serbisyo at kawalan o kasalatan ng serbisyong panlipunan. Nagngangalit sila dahil ginagamit ang pondong publiko para salbahin ang malalaking bangko, bundatin ang military industrial complex at palakihin ang gastusing militar subalit ipinagkakait ito sa pinakadirektang anyo ng paglilikha ng trabaho at pagbibigay ng serbisyong panlipunan ng mga ahensyang publiko. Sawang-sawa na sila sa mga nagungunang partidong nagtatagisan para linlangin sila at preserbahin ang naghaharing sistema.
Sinisikap panatilihin ng mga imperyalistang kapangyarihan ang kanilang pagkakaisa at ipinapasa ang bigat ng krisis sa masang anakpawis at sa mahihirap na bansa. Sila ang pinagmumulan ng krisis at sila mismo ay malubhang tinatamaan ng krisis. Lahat sila ay litaw na litaw na namomroblema sa istagnasyon ng ekonomya at sa krisis ng pampublikong utang. Patuloy na naggaganyak ng digmaan ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Tuluy-tuloy nitong itinutulak ang mga imperyalistang kapangyarihan na magtunggalian sa mga usapin sa ekonomya, kalakalan, pinansya, pulitika at seguridad. Papapatindi ang kanilang tunggalian para muling hatiin ang mundo.
Nang ganap na manumbalik ang kapitalismo sa China at Russia, lubos na nagdiwang ang mga imperyalistang kapangyarihang pinamumunuan ng US sa pagpoproklama ng tagumpay ng kapitalismo at ng pagkamatay ng sosyalismo. Subalit ngayon, itinuturing nila ang China at Russia bilang bikig sa lalamunan ng US, European Union at Japan sa pandaigdigang dominasyon. Itinuturing na banta, laluna ng US, ang kapitalistang pag-unlad ng China at Russia sa kanilang tradisyunal na hegemonya dahil sa mga tagumpay ng mga ito sa pananaliksik at pagpapaunlad militar at sa pagtatatag ng BRICS bilang blokeng pang-ekonomya at ng Shanghai Cooperation Organization bilang blokeng panseguridad. Ang US ang pinakagarapal sa pagtatangkang pigilan ang China sa pamamagitan ng estratehikong pagpihit tungo sa East Asia at sa pamamagitan ng paglulunsad ng Trans-Pacific Partnership Agreement.
h4. II. Epekto sa Rebolusyong Pilipino
Pinalalala ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista ang matagalang krisis ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema sa Pilipinas. Biglaan ang pagbaba ng halaga ng eksport ng mga hilaw na materyales at mga mala-manupaktura. Kaalinsabay nito, tumaas naman ang halaga ng mga inaangkat na produkto, langis at ilang batayang pangangailangan. Ang depisit sa kalakalan ay lumalaki at nagreresulta sa mas malaking utang panlabas.
Nabubulid ang ekonomya ng Pilipinas sa pandaigdigang depresyon. Di hamak na mas tigil ito kaysa dati. Tumataas ang tantos ng kawalang trabaho at bumabagsak ang kita habang ang presyo ng mga batayang produkto at serbisyo ay tumataas. Di maawat ang kahirapan. Nauuk-ok ang serbisyong panlipunan at tumataas ang bayad dito. Itinataas ng reaksyunaryong gubyerno ang buwis sa kapinsalaan ng masang anakpawis at ng mga panggitnang saray ng lipunan. Tinatamasa naman ng mga dayuhan at malalaking kumpanyang kumprador ang mga pakinabang mula sa pagbawas ng buwis na binabayaran at di pagbabayad ng buwis. Lumalawak ang depisit sa badyet at lumalaki ang pampublikong utang.
Walang pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa. Ang sinasabing pag-unlad ay binubuo ng paspasang pangangamkam ng lupa at pandarambong ng mga kumpanya sa pagmimina, plantasyon at pagtotroso, malaking ispekulasyon ng mga empresa sa pribadong konstruksyon at mga call center na pangnegosyo. Ang kinikita dito at ang mga remitans ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat ay hindi sapat na batayan para sabihin ng reaksyunaryong gubyerno na may signipikanteng paglago sa ekonomya. Ang ilusyon ng paglago ay sinasalamangka ng pagpasok ng hot money (ispekulatibong dayuhang pamumuhunan) sa merkado ng sapi at iba pang merkado sa pinansya.
Bunga ng malalang sosyo-ekonomikong krisis, lumalala ang pampulitikang krisis ng naghaharing sistema. Sa kabila ng pagtatangka ng US at ng mga lokal na mapagsamantalang uri na pagkaisahin ang mga reaksyunaryong pwersang pampulitika para paigtingin ang kontra-rebolusyon, tumitindi ang bangayan sa hanay nila dahil sa pagkakalantad ng mga iskandalo sa pork barrel at iba pang kaso ng burukratikong korapsyon. Sumisiklab ang galit ng malawak na masa ng sambayanan dahil ninanakaw ng mga upisyal ng gubyerno ang malalaking halaga ng pondong publiko.
Ang kilusang protestang masa ay inaasahang titindi at lalaganap habang ang rehimeng Aquino ay tinutuligsa dahil ito ay papet ng imperyalismong US, mapagsamantala, korap at brutal. Sinusunod ng rehimen ang mga dikta ng US sa pagpapatupad ng mga neoliberal na patakarang pang-ekonomya upang pagsamantalahan ang sambayanan at sa pagpapakawala sa Oplan Bayanihan para supilin ang kilusan ng masang anakpawis at walang patumanggang labagin ang kanilang karapatang-tao. Itinutulak ng mga kampanyang panunupil ng militar at pulisya ang mamamayan na mag-armas laban sa naghaharing sistema.
Ang armadong rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ay nasa landas na ng pagsulong mula sa yugto ng estratehikong depensiba tungong estratehikong pagkapatas. Sa kongkreto, nilalayon ng Partido na mapalaki ang kasapian nito sa 250,000, ang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa 25,000, at ang mga larangang gerilya sa 200 at madagdagan pa ng milyun-milyon ang kasapian ng mga organisasyong masa at ang lawak ng mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika.
h4. III. Ang Papel ng Rebolusyong Pilipino sa Pandaigdigang Proletaryong Rebolusyon
Gumagampan ng mayor na papel ang demokratikong rebolusyon ng bayan na pinamumunuan ng PKP sa muling pagpapasigla at pagbangon ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Isa itong matingkad na halimbawa ng rebolusyonaryong kilusan na pinamumunuan ng isang tunay na partido komunista na lumakas sa pamamagitan ng pakikibaka sa imperyalismo, rebisyunismo at reaksyon. Nakapanindigan ito at umabante sa kabila ng pangingibabaw ng neokolonyalismo sa pinakamahihirap na bansa, ng ganap na panunumbalik ng kapitalismo sa mga dating bansang pinamunuan ng mga rebisyunista at ng pandaigdigang dominasyon nitong nakaraang mahigit tatlong dekada ng neoliberal na opensibang pang-ekonomya at mga gerang agresyon na sulsol ng US.
Mula 1968, ipinamalas ng PKP na hindi magagapi ang ideolohikal na linya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilapat nito ang materyalistang dialektika sa pag-unawa sa kasaysayan at sa mga kongkretong kundisyon ng Pilipinas at sa mga pagpapasya kung ano ang mga dapat gawin sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino. Mulat ito sa paglaban sa mga kamalian ng suhetibismo, sa anyo man ng dogmatismo o empirisismo. Ginagamit nito ang mayamang teoretiko at praktikal na pamana ng proletaryong rebolusyon, mula kay Marx hanggang kay Mao. Ginagamit nito ito bilang gabay sa umaasa-sa-sariling rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado at mamamayan laban sa imperyalismong US at lokal na mga mapagsamantalang uri.
Tumatalima ang PKP sa pangkalahatang linya ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan, upang ibagsak ang malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema at kumpletuhin ang pakikibaka para sa pambansang paglaya at demokrasya laban sa imperyalismong US at lokal na mga mapagsamantalang uring malalaking kumprador at panginoong maylupa. Ang namumunong uri sa rebolusyon ay ang proletaryado at ang pangunahing pwersa ay ang magsasaka. Ang pangunahing anyo ng pakikibaka ay ang armadong pakikibaka at ginagamit ang pakikipagkaisang prente upang pakilusin ang milyun-milyong masa upang ihiwalay at durugin ang kaaway. Tutungo ang tagumpay ng demokratikong rebolusyon ng bayan sa sosyalistang rebolusyon.
Ginagamit ng imperyalismong US ang lahat ng anyo ng dahas at panlilinlang, at kulang na lang na maglunsad ito gerang agresyon, sa bigong pagtatangkang wasakin ang demokratikong rebolusyon ng bayan. Itinulak nito ang pagtatayo ng pasistang diktadurang Marcos subalit pinagliyab lamang nito ang sulo ng rebolusyon at pinalakas ang mga pwersa ng digmang bayan. Bumaling ito sa paggamit ng mga diumano'y demokratikong rehimen ng malalaking pultikong kumprador-panginoong maylupa mula 1986. Subalit bigo rin itong durugin ang armadong rebolusyon.
Pinalalakas ng US ngayon ang interbensyong militar nito sa Pilipinas at nagbabanta ng agresyon. Subalit pinapanghina ito ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo at ng sobrang pagkabanat nito sa dami ng sinasakupan. Ang mga gerang agresyong pinakawalan ng US ay lalo lamang nagbunsod ng destabilisasyon ng daigdig at nasamantala ng mga karibal ng US ang mga pagkakamali at kahinaan nito. Nagbunsod ng pandaigdigang depresyon ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Nagdudulot ito ng grabeng pagdurusa sa mamamayan ng daigdig at kaalinsabay, itinutulak silang maglunsad ng lahat ng anyo ng pakikibaka.
Ang pagpupunyagi at mga tagumpay ng rebolusyong Pilipino ay malugod na kinikilala ng mga partido komunista at manggagawa, mga pambansang kilusang mapagpalaya, ng iba't ibang mga progresibong pwersa at mamamayan ng daigdig. Laging idinidiin ng PKP na ang mga rebolusyonaryong tagumpay ng proletaryado at mamamayang Pilipino ay ambag sa muling pagpapasigla at pagbangon ng kilusang anti-imperyalista, ng internasyunal na kilusang komunista at ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.
Tulad ng mapapansin ninyo sa mga publikasyon nito sa internet, laging bukas ang PKP na ibahagi ang mga ideya at karanasan nito sa iba pang mga rebolusyonaryong pwersa sa pamamagitan ng mga publikasyon, bilateral na mga pulong, palitan ng pag-aaral, seminar at kumperensya. Ang unawaan sa mga isyu ay itinuturing nitong daan sa rebolusyonaryong pakikipagkaisa at praktikal na kooperasyon.

OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:
Post a Comment