Friday, September 05, 2014

Patalsikin ang reaksyunaryong rehimeng US-Benigno Simeon Aquino! Paigtingin ang pagsusulong ng rebolusyon!


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/08/patalsikin-ang-reaksyunaryong-rehimeng.html#more


Resist Aquino’s cha-cha and term extension scheme [ANG BAYAN 2014AUG21]


The Communist Party of the Philippines (CPP) urgently calls on the Filipino people to wage intense struggle against the Aquino clique’s moves to extend its stay in power through Marcos-style measures .

The Aquino clique is targeting the amendment of the 1987 constitution (cha-cha) in order to clip the Supreme Court’s powers to stop Aquino from doing as he pleases. Like Marcos, Aquino wants the other branches of the reactionary government to become his rubberstamps and serve as mere facades to conceal his dictatorial conduct.

The Aquino clique, especially its minions in Congress, is likewise focused on amending the constitution to allow Aquino to extend his current term or run for a second term. Its members are now in a mad scramble to create the illusion of mass support for Aquino in order for him to stay in power after Aquino stated that he was open to such a possibility if it was in accordance with “his bosses’ wishes.”

------------------

Patalsikin ang reaksyunaryong rehimeng US-Benigno Simeon Aquino! Paigtingin ang pagsusulong ng rebolusyon!

Maria Roja Banua
NDFP-Bikol
Agosto 29, 2014

Kaisa at kabahagi ang National Democratic Front-Bicol Region sa malawakang panawagan ng mamamayan na patalsikin ang reaksyunaryong rehimeng US-Benigno Simeon Aquino!

Makatarungan lamang na muling gamitin ng mamamayan ang kapangyarihang magpatalsik ng isang rehimeng batbat ng korapsyon at panggagantso, hayagang naggagarantiya ng kontrata at tubo ng mga negosyo ng mga kroni at kanyang pamilya na tinatawag niyang "BOSS".  Higit sa lahat tiyakin na pagsilbihin ang mga ito sa interes ng malalaking dayuhang kapitalista at ng Estados Unidos.

Kagyat lamang na dapat patalsikin si Aquino dahil sa mabigat na kasalanan sa mamamayan sa loob ng apat (4) na taong panunungkulan.


Unang-una ang litaw na kaso ng masahol na korapsyon sa pamamagitan ng pork barrel, Disbursement Acceleration Program, Malampaya Scam na walang katulad sa kumpara sa mga nagdaaang rehimen.


Pinatunayan mismo ni Aquino ang pagiging "Hari ng Pork Barrel" at hinubaran ang sariling pinagmamaraling islogang ng "daang matuwid". Pilit mang ibaling ang panggigipit sa kalaban sa pulitika ng kasong korapsyon lumilitaw pa rin ang katotohanan na ang nangunguna sa korapsyon ng pork barrel at DAP ay ang Presidente.  Bago pa man ang State of the Nation Address (SONA) naitulak ng protesta ng mamamayan ang impeachment na naobliga ang Korte Suprema na ideklarang labag sa konstitusyon ang DAP at ang ginagawang pagtitipon at paglilipat ng pondong "natipid" ni Aquino sa ilalim ng DAP.

Lumitaw ang tunay na asal asenderong lango sa kapangyarihan nang hayagang akusahan nito ang korte at sinumang tumututol sa korapsyon na sagabal sa kaunlaran upang ipagtanggol ang sistemang pork barrel.

Nakorner ang hari ng pork sa panahon ng SONA kaya sandaling kumubli sa asal maamo at naiiyak na tupa  habang hinihingi ang suportahan ng Kongreso para ipasa ang badyet 2015 na P2.606 trilyon. Nakapaloob pa rin ang DAP sa halagang P500B sa bagong katawagang "Lump-sum Appropriation"  o LSA na sistemang pork pa rin. Upang madagdagan ang savings hinustipika at gumawa ng house bill para maging ligal kaalinsabay na mapalabnaw ang impeachment case.  Naibasura ang impeachment case at walang kiber na nagpahayag na may pagmamaliit sa mamamayan na makakaliwa lang naman daw ang nagkakaso sa kanya.

Sa pagkakalantad ng PDAF bilang pork barrel system, itinago naman ito  sa katawagang   Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP) na dating tinawag na Bottom-Up-Budgeting (BUB) bilang pamalit sa PDAF.

Sinubok pang atrasan nito,  ang matagal nang pagnanasang baguhin ang konstitusyon (charter change) upang makumpleto at mapanatili ang kanyang kapangyarihan. Sa kasawiang palad sinalubong naman ng matinding reaksyon ng mamamayan kahit ng simbahan at matapat na alagad ng 1987 konstitusyon.  Nang mapaso sa charter change ay binalingan naman nito ang korte suprema na lagyan ng hanganan ang pagdedesisyon at hayagang itulad sa kongreso at senado na nagsisilbing rubbers stamp.

Higit makatarungan lamang na dapat patalsikin si Aquino dahil sa mahigit na mabibigat na kasalanan nya sa mamamayan sa loob ng apat (4) na taong panunungkulan.

1. Matinding pagwasak at pagpatay sa produksyon at lokal na merkadong agrikultural dahil sa ibayong pagpapatupad ng liberalisasyon sa agrikultura at kalakalan na nakaasa sa dayuhang kalakalan.

Sa rehiyon, pagsilbihin ang agrikulturang atrasado na tagasuplay lamang ng mga low-value added na hilaw na materyales tulad ng kopra, abaca at tubo sa negosyo ng mga burgesya komprador habang ginagawang tagakonsumo ng mga produkto ng mga ito. Sa paraan ng panlilinlang, isinapribado ang ALECO at CASURECO para sa interes ng San Miguel Energy Corporation na pag-aari ng mga Cojuangco.

2. Ibayong pagpapatindi, pagpapalawak  ng kahirapan at kawalan ng katarungang panlipunan dahil sa kawalan ng tunay na industriyalisasyon at kawalan ng tunay na reporma sa lupa. Sampu-sampong milyon ang nagugutom, walang trabaho, tinanggal sa trabaho, inaalipin sa ibayong dagat, walang bahay, iskwater sa sariling bayan, mga inabandonang biktima ng kalamidad, walang mga serbisyong panlipunan dinarahas at sinisikil ang mga demokratikong karapatan. Tumindi pa ang kahirapan na dulot ng pagsirit ng presyo ng langis, bilihin, pamasahe, serbisyo, edukasyon, atibp. Milyun-milyong magsasaka ang bangkarote ang kabuhayan, binawian ng sakahan, pinatalsik sa tirahan.  Samantala, ang ipinagyayabang na abereyds na 7% paglago ng pambansang ekonomya ay pagpapalago ng kayamanan ng mga komprador-burgesya, panginoong maylupa, burukratang kapitalista at mga imperyalista. Hungkag ang CARP, Carper, programa sa poverty alleviation tulad ng 4Ps, CCT, at job creation.

3. Lansakang pagpapakapapet at patuloy na pagsusuko ng rehimeng Aquino ng soberanya ng bansa sa imperyalismong US. Pagpasok sa panibagong kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)  upang ibigay ang buong laya (carte blanche) sa mga tropang Amerikano na gamitin ang ere, lupa at karagatan ng Pilipinas para sa kanyang mga ehersisyong digma at operasyong paniktik, at mistulang pag-aari at libreng gamitin nito ang mga base at kampo militar ng Pilipinas ng mga “nagrerelyebohang” pwersang Amerikano, at pag-iistasyon ng mga kagamitang pandigma ng US na nagsasapanganib sa seguridad ng bansa.  Nagbasura ito sa desisyon ng  Senado noong 1991 na nagpatalsik sa mga base militar ng US sa Pilipinas, pagkapit at pagpapairal ng Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Pact, Military Logistics Support Agreement (MLSA), Acquisition and Cross Servicing Agreement (ACSA).  Naglilingkod ito sa layon ng US na gamiting istratehikong forward military base ang Pilipinas sa kanyang adyendang “Pacific Pivot” at “New Pacific Century”, at isang base sa pagsusulong ng kanyang “malayang-kalakalan” sa programang Trans-Pacific Partnership nang hindi kabilang ang Pilipinas.

4. Paghahasik  ng iba’t ibang anyo ng pasistang kalupitan sa mamamayan. Nagpapatuloy ang extra-judicial killings, pagdukot at pagmissing (desaparecido) sa mga aktibista, masa at hinihinalang mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, paglabag sa mga karapatang tao sa kalunsuran at kanayunan, tuloy-tuloy na militarisasyon at mararahas na operasyong militar na nagdudulot ng malawakang HRVs, dislokasyon ng kabuhayan, pagkaiwan at pagkasira ng produksiyon, at pwersahang ebakwasyon sa mga magsasaka, setler at katutubong mamamayan.  Nagpapatuloy ang Oplan Bayanihang “counter-insurgency campaign” ng rehimeng Aquino ayon sa US-COIN Guide ng 2009 laban sa mga progresibo at rebolusyonaryong pwersa sa bansa.

Sa rehiyon, Operasyong Musang sa ilalim ng Oplan Bayanihan ang ipinokos sa Masbate, Sorsogon at Albay na ibayong nagteterorisa ng mamamayan at lumalabag sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law. Kaalinsabay nito, humahabi ng mga kasinungalingan at nagpapalaki ng kwento upang magkamit ng mga parangal ang mga matataas na opisyal ng 9th Infantry Division Spear sa pamumuno ni Major General Yerson Depayso.

Ang mga batayang ito ang higit na nagpapatalas sa kakagyatan at makatarungang kapasyahang patalsikin ang US-BSA ng mamamayan. Pinapalagablab ng patuloy na pagtatanggol sa katiwalian sa panibagong anyo nitong LSA at GPBP na ginagawang ligal ng Kongreso at Senado. Gumagamit ng awtoritaryan na kapangyarihang at nanunuhol upang tiyakin ang kontrol sa lehislatibo, ehekutibo at hudikatura at magsilbing palamuti na lamang sa sinasabing "demokrasya sa bansa". Higit sa lahat tiyakin ang interes sa negosyo ng kanyang mga tinatawag na "Kayo ang Boss Ko", ang pamilyang Cojuangco-Aquino-Kroni at Estados Unidos sa bansa Pilipinas at Asya-Pasipiko.

Patalsikin ang rehimeng US-Benigno Simeon Aquino sa kanyang katiwalian, pagyurak sa kasarinlan at pagiging inutil sa interes ng mamamayan!

Ibayong isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay na syang magbibigay katuparan sa pagkakaroon isang lipunang tunay na maglilikod sa interes ng sambayanan at isang gubyernong tunay na may pananagutan sa kanyang mamamayan. Tangan ang tanging susing kawing sa pag-unlad ang pambansang industrisasyon at rebolusyonisasyon sa Agrikultura!







OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

http://www.philippineinsurgency.co.nr/


PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment