From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: https://ndfbicol.wordpress.com/
Tagapagsalita
NDF-Bicol
links: https://ndfbicol.wordpress.com/
Garapalang
kasinungalingang pagbintangan ang Jose Rapsing Command-New People’s
Army (JRC-NPA Masbate) ng Charlie Company 9th Infantry Batallion
Philippine Army na syang tunay na may kagagawan sa naganap na pagpatay
sa brgy Bartolabac, San Jacinto, Masbate sa Ticao Island. Ang hinabing
imbestigasyong lumabas sa panayam ng media kay C/Supt Augusto Marquez,
Jr ng PNP Regional Director ay lantay na kasinungalingang walang lohikal
na pinagbatayang datos mula sa tunay na pangyayari .
Nakaturo
ang kanilang hintuturo sa JRC-NPA habang nakaturo naman ang apat nilang
daliri sa kanilang sarili bilang mga tunay na salarin sa naganap na
masaker. Sinadyang
patayin si Brgy Captain Rey Encabo Y Sabueso para patahimikin ang
kanyang matibay na panindigan na ipagtanggol ang karapatan pantao ng
kanyang mga residente sa baranggay. Nakaukit sa oryentasyon ng pasistang
hukbo na kilalaning “collateral damage’ ang sinumang sibilyang
madadamay sa pagsasakatuparan ng kanilang “mission order”. Sadyang
idinamay si Kagawad Robert “Bongbong” Almondiel Y Dionella na nagkataon
naroon sa bahay ni kapitan nang mangyari ang pamamaslang. Ang nakasaksi
sa krimeng si Jay Amoradiel Y Cristobal, 14 taong gulang ay idinamay din
upang walang magpatotoo sa pangyayari. Hindi pa nakuntento, inundayan
pa ng taga sa mukha ang nakabulagta nang bangkay ni brgy captain Sabueso
at pinasabog naman ang ulo ng binatilyong si Jay kung saan nakaimbak
ang impormasyon ng tunay na pangyayari. Nais iwanan na mensahe at
larawan sa mamamayan ang brutalidad sa krimen upang dalain ang
mamamayan. Kasama sa disenyo ng saywar ang paggawa ng krimeng katulad
nito, magpanggap na NPA ang gumawa at ibintang sa huli upang sirain ang
imahe ng tunay na hukbo ng mamamayan sa isla.
Ito
ang tunay na nilalaman ng saywar na disenyo ng Project Development Team
Operation (PDTO) na nagtatago sa retorika ng “kaunlaran” pero sa
kabilang panig ay lumilikha ng terorismo sa hanay ng mamamayan upang
kitlin ang rebolusyonaryong adhikain para sa tunay na pagbabago.
Subalit
hindi na kayang sirain ang lumalakas na rebolusyonaryong kilusan sa
isla na ipinundar sa pagpupunyagi sa rebolusyong agraryo, pagtatayo ng
tunay na binhi ng demokratikong gobyernong bayan at pagkakaroon ng tunay
na hukbong nagsisilbi sa interes ng masang anakpawis na dudurog sa
buong makinarya ng estado. Malalantad lamang ang anumang
kontra-rebolusyonaryong iskema ng PDTO tulad ng pagkakalantad ng mga
pamamaslang at masaker na naganap sa unang hati pa lamang ng taong 2015.
Binigo na ito ng malakas na kilusang masa sa Isla at sa buong rehiyon.
Determinado ang Pangrehiyonal na Kumand ng Romulo Jallores katulong ang
mga pamprobinsyang kumand na patuloy na bigwasan ang PDTO na isinagawa
sa Isla at buong rehiyon bilang ambag sa kabuuang opensiba inilulunsad
sa buong bansa.
Kinokondena
ng National Democratic Front-Bicol ang lansakang paglabag sa karapatan
ng mga mamamayang Masbateno, Bicolano at mamamayan na malinaw na labag
sa mga Batas sa Digmaang itinatakda sa Protocol I at II ng Geneva
Convention.
Papanagutin
ang 9th Infantry Batallion Philippine Army sa ilalim ng pamumuno ni
Corporal Dangcalan at Sgt. Bustamante na syang nagsagawa ng operasyon sa
lugar ng panahong yaon. Papanagutin din ang kasalukuyang commanding
officer na si Lt. Col Patrick E. Cinco ng 9th IBPA sa pamumuno ni
Brigadier General Ferdinand M. Quidilla sa kanilang responsibilidad sa
pasistang oryentasyon na katuruan sa kanilang tropa.
Biguin ang PDTO sa Masbate Isla at ang Oplan Bayanihan sa buong rehiyon.
Utang na Dugo ng Charlie Compny 9th IBPA sa ilalim 9th IDPA, Singilin!!!
Isulong ang Digmang Bayan hanggang sa Tagumpay!
Mabuhay ang Rebolusyon!
Ka Maria Roja BanuaTagapagsalita
NDF-Bicol
Article links:
https://ndfbicol.wordpress.com/
https://ndfbicol.wordpress.com/
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment