Friday, September 23, 2016

Police arrest NPA in Mindoro, Revolutionaries condemn ceasefire violation



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://www.cpp.ph/police-arrest-npa-mindoro-revolutionaries-condemn-ceasefire-violation/


Police arrest NPA in Mindoro, Revolutionaries condemn ceasefire violation

Revolutionary forces in Mindoro condemn the arrest of a Red fighter by PNP-Mimaropa amid the ongoing peace talks between the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ka Ma. Patricia Andal, NDF-Mindoro spokesperson, called the police as “traitor” and “insincere towards the peace talks” for arresting NPA member Jeffrey Delos Reyes while fulfilling his tasks for the said talks.


“The arrest of Delos Reyes by the police is an incontrovertible truth that eversince the police is insincere towards the ongoing peace talks,” Ka Patricia said. “We know for a fact that they can detest the revolutionaries because that is what they do. They are that boorish for disprespecting the ceasfire directive of their commander in chief Rodrigo Duterte.”

Ka Higom Maragang, spokesperson of the Lucio De Guzman Command (LDGC)/NPA-Mindoro, asserted that the cases filed against Delos Reyes are trump-up charges. He explained that those who uphold legitimate armed struggle should not be treated as criminals.

“This battle against the reactionary governmetn is legitimate because we fight for a genuine social change against the exploitation and oppression of the people by the ruling class. If this is not legitimate, the GRP should have not faced us in the peace negotiations,” Ka Higom said.

“Casualties among combantants in times of war are not crimes, and if that is, should not be charged as criminal cases against those in war. Unless they are violating the rules and international humanitarian laws of war, which are almost always violated by the mercenary armed forces of the GRP,” he explained.

Delos Reyes was arrested by the elements of the PNP-Mimaropa in Victoria, Oriental Mindoro while fulfilling his task for the peace talks. He is currently detained at the Oriental Mindoro Porivncial Jail in Calapan City and charged of murder and frustrated murder.


“the police is sabotaging the peace talks,” Delos Reyes said. “We call on those with us in our quest for lasting peace, let us intensify our support to the GRP-NDFP peace talks, call for the dismissal of all trump-up criminal charges against Red fighters, free all politica detainees, and fight for genuine change for the people,”
he ended.


Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kay Rowan sa +639477750427 / npamindoro.ldgc@gmail.com

NPA, dinakip ng mga pulis sa Mindoro
Paglabag sa ceasefire, kinundena ng mga rebolusyonaryo


Mariing kinundena ng mga pwersang rebolusyonaryo sa Mindoro ang pagdakip ng PNP-Mimaropa sa isang Pulang mandirigma sa kabila ng umuusad na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Tinawag ni Ka Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng NDF-Mindoro, ang mga pulis na “traydor at insinsero” sa usapang pangkapayapaan dahil sa pagdakip sa kanilang mandirigmang si Jeffrey Delos Reyes habang tumutupad ito ng tungkulin para sa nasabing usapan.

“Ang pagdakip nila kay Delos Reyes ay isang nagdudumilat na katotohanang simula’t sapul hindi naman sinsero ang mga pulis na umusad ang usapang pangkapayapaan,” ani Ka Patricia. “Alam naming kayang kaya nilang bastusin ang mga rebolusyonaryo sapagkat gawain nila iyan. Ngunit ganyan sila kagarapal dahil binabastos din nila ang kanilang commander in chief na si Rodrigo Duterte sa direktiba nitong tigil-putukan.”

Giit naman ni Ka Higom Maragang, tagapagsalita ng Lucio De Guzman Command (LDGC)/NPA-Mindoro, na gawa-gawa ang mga kasong isinampa kay Delos Reyes. Aniya, hindi dapat ituring na kriminal ang mga nagsusulong ng armadong pakikibaka.

“Lehitimo ang aming pakikidigma sa reaksyunaryong gubyerno sapagkat nagsusulong kami ng tunay na pagbabago laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri sa sambayanan. Kung hindi ito lehitimo, hindi haharap ang GRP sa negosasyong pangkapayapaan,” ani Higom.

“Ang mga kaswalti sa hanay ng mga kombatant sa panahon ng digma ay hindi krimen, at kung gayon ay hindi dapat isampang kasong kriminal sa mga imbwelto sa digmaan. Maliban kung sila ay lumalabag sa mga patakaran at internasyunal na makataong batas sa pakikidigma, na kung tutuusin ay lagi’t laging nilalabag ng mga mersenaryong hukbong sandatahan ng GRP,” paliwanag niya.

Dinakip ng mga elemento ng PNP-Mimaropa si Delos Reyes sa Victoria, Oriental Mindoro habang tumutupad ng gawain para sa usapang pangkapayapaan. Kasalukuyan siyang nakaditine sa Oriental Mindoro Provincial Jail sa Calapan City sa kasong murder at frustrated murder.

“Sinasabotahe ng mga pulis ang usapang pangkapayaan,” ani Delos Reyes. “Dumudulog po tayo sa lahat ng kaisa natin sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan, paigtingin pa natin ang pagsuporta sa usapang GRP-NDFP, ipanawagan nating ibasura ang mga gawa-gawang kasong kriminal sa mga Pulang mandirigma, palayain ang lahat ng detenidong pulitikal, at ipaglaban natin ang tunay na pagbabago para sa ating bayan,” panawagan niya. ###

CPP/NPA/NDF Website









OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES





PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment