From the Website of PRWC
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/02/mga-bata-biktima-ng-malupit-na.html#more
Mga Bata, Biktima ng Malupit na Militarisasyon ng 49th IB sa Ilalim ng Oplan Bayanihan
Gregorio "Ka Greg" Bañares
National Democratic Front-Bicol Region
Pebrero 27, 2012
Mariing kinukundena ng NDF-Bicol ang walang habas na pagmasaker ng 49th IB sa mga sibilyan sa Brgy Malaya, Labo, Camarines Norte noong Pebrero 25.
Buong yabang na ipinangangalandakan ni Maj General Josue Gaverza ng 9th ID na kasapi umano ng BHB ang namatay na sibilyan na si Benjamin Manzera,(54 anyos).Pinapurihan pa ni Maj. Gen. Gaverza ang kanyang mga pasistang tauhan, na walang-awang pinagbabaril ang tatlong bata, na mga anak ni Benjamin Manzera.
Namatay ang dalawang bata na sina Richard, (7 taong gulang) at Michael Manzera,(10 taong gulang). Sugatan din si Leoneza Manzera,(14 taong gulang).
Taliwas sa ipinagmamayabang ng tagapagsalita ng 9th ID, walang labanang nangyari. Pinagbabaril ng mga militar ang bahay ng pamilya Manzera kung saan nakikipahinga ang isang team ng BHB. Hindi nagpaputok ang mga pulang mandirigma sapagkat isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng mga sibilyan. Mas pinili nila na umatras upang hindi madamay ang mga sibilyan. Namatay sa nabanggit na insidente ang isang kasapi ng BHB.
Dapat papanagutin ang 49th IB sa matinding kalupitan nito sa pagmasaker sa walang kalaban-labang mga sibilyan.
Walang katotohanan ang isinasatsat ng mga tagapagsalita ng 9th ID, na isinisisi sa BHB ang kapalpakan at karahasang ito ng mga elemento ng 49th IB. Katangian na ng mga operasyong kombat ng mga tropa ng militar ang walang pag-aalangang pagsalakay sa bahay ng mga sibilyan nang walang pagsaalang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.
Inilantad mismo ng sarili nilang aksyon ang mga panlilinlang at pagpapanggap ng AFP sa ilalim ng Oplan Bayanihan, na wala na umanong mga paglabag sa karapatang-pantao. Sa kabila ng magarbong panawagan nila para sa "kapayapaan at kaunlaran", karahasan at kahirapan ang hatid sa mamamayan ng pinatinding militarisasyon sa ilalim ng rehimeng Aquino.
Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, pinatindi ang operasyong kombat at pagmamanman o subeylans sa kanayunan at kalunsuran ng Bikol bilang ng paghahanda sa isasagawa ditong "Operation Pacific Angel" ng 13th US Airforce. Dapat tutulan ang militarisasyon sa kanayunan at kalunsuran ng Bikol at labanan ang interbensyong militar ng US.
email: greg_banares@yahoo.com/
websites: www.ndfbicol.wordpress.com
twitter account: www.twitter.com/ndfbicol
facebook account: greg banares
PRWC Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/02/mga-bata-biktima-ng-malupit-na.html#more
http://theprwcblogs.blogspot.com/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/02/mga-bata-biktima-ng-malupit-na.html#more
-----------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------
---------------------
0 comments:
Post a Comment