Friday, September 07, 2012

MRLO - MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS


MRLO
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS
ESTABLISHED IN 2005

NDF ALLIED MEMBER IN ARMED STRUGGLE








CPP/NPA/NDF WEBSITES

http://www.philippinerevolution.net/

http://theprwcblogs.blogspot.com/

http://ndfp.net/joom15/

links:

http://ndfp.net/joom15/index.php/readings-mainmenu-73/1439-the-political-underground-in-the-philippines.html

http://theprwcblogs.blogspot.com/2011/02/mensahe-sa-ika-42-taong-anibersaryo-ng.html




MRLO
MORO RESISTANCE LIBERATIONS ORGANIZATIONS


From: The Durian Post Website
links:  http://durianpost.wordpress.com/2012/06/22/moro-resistance-and-liberation-organization/




PRESS STATEMENT

20 Hunyo 2012

Mamamayang Moro, Magparami, Magpalawak, at Magpalakas! Isulong ang Armadong Pakikibaka tungo sa Pambansang Demokrasya na may Sosyalistang Perspektiba!


Mensahe ng MRLO-NDFP sa okasyon ng ika-7 Anibersaryo ng Pagkakatatag

Assalamu Alaikum Warahmatullahi taala wa Barakatuhu.

Pinakamataas na pagpupugay sa ika-7 anibersaryo ng Moro Resistance and Liberation Organization, ang pangunahing boses ng mamamayang Moro na nakapaloob sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at nakikibaka para sa karapatan sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro! Mainit naming binabati ang lahat ng kadre at miyembro ng MRLO na patuloy na kumikilos at nangahas na tahakin ang tamang linya ng pakikibaka tungo sa sariling pagpapasya ng Bangsamoro. Isang taas kamaong pagpupugay din sa mga miyembro ng MRLO na nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan ng Bangsamoro! Ikinararangal namin kayo!


Mga kasama, sa pagsanib ng ating lakas sa mga organisasyong nakikibaka para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba, natatangi ang MRLO sa ibang rebolusyonaryong organisasyong Moro na kasama natin sa armadong pakikibaka. Tangan-tangan ang tamang linyang ito, batid natin na pambansang demokratikong rebolusyon lamang ang solusyon upang tuluyang lumaya ang mamamayang Moro sa kawalan ng lupa, matinding kahirapan, at pambansang pang-aapi. Mula nang itinatag ang MRLO noong Hunyo 20, 2005, nagtagumpay tayo sa maraming larangan, sa pag-rerekluta ng mga miyembro, sa pagsapi sa armadong pakikibaka, at paglunsad ng agraryong rebolusyon sa malawak na kanayunan. Indikasyon ito ng mahigpit na suporta ng masang api sa mga adhikain at isinusulong ng pambansang demokratikong rebolusyon.  Sa loob ng dalawang taon, ipinakita ng kasalukuyang rehimen na hindi ito seryoso sa problema ng Bangsamoro. Hindi nito hinaharap ang ugat ng kahirapan at kaguluhan sa mga lupain ng mamamayang Moro, bagkus ay patuloy ito sa panlilinlang at pagpapanggap na gusto ng kapayapaan.  Doble-kara ang rehimen dahil taliwas naman dito ang kaniyang ginagawa. Kaya’t habang patuloy na naghihirap ang mamamayang Moro at sambayanang Pilipino, kailangan nating pag-ibayuhin at patatagin ang ating hanay upang labanan ang mapanlinlang, tuta, at teroristang rehimeng US-Aquino.



PPP AT ANG PALALANG PANG-EKONOMYANG  KALAGAYAN SA ILALIM NI PNOY


Ang mamayang Moro at ang buong sambayanan ay patuloy na nakararans ng karalitaan at pasakit sa ilalim ng papet na rehimeng US-Aquino. Kagaya ng nakaraang administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, ipinagpatuloy ni PNoy ang pagpapakatuta at pagiging sunod-sunuran sa kagustuhan ng amo nitong imperyalistang US. Nangunguna itong sumusuporta sa mga neoliberal na polisiya na nagsisilbi sa interes ng US at mas lalong nagpapahirap sa mamamayan. Ang pagtataguyod ng public private partnerships o PPP bilang pangunahing economic policy nito ay indikasyon ng pagiging alipin ng rehimeng ito sa dikta ng neoliberalismo.


Hindi tinutugunan ni PNoy ang batayang pangangailangan ng Bangsamoro bagkus ay inuuna nito ang pagsuporta mga polisiyang neoliberal na siyang nagpapahirap pa sa kalagayan ng mamamayang Moro.  Kaakibat ng PPP ang pagtalikod ng rehimen sa payak na pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagkaltas sa badyet sa social services at paglalako ng mga lupain at kayamanan ng Bangsamoro sa dayuhang mga imbestor.  Ang gobyerno ni Pnoy ay nagsilbing tagapagsulong ng pang-ekonomiyang interes ng Estados Unidos. Ang lupain ng Bangsamoro ay puspusang ibinukas sa dayuhang pandarambong, ipinagpatuloy nito ang planong 15 oil and gas exploration contracts na nagkakahalaga ng $7.5 billion dollars sa kabila ng pagtutol ng mamamayan dahil ilan sa mga exploration na ito ay nasa teritoryo ng Moro ancestral domain. Binalak din nitong isapribado ang Agus at Pulangi Hydro Power Complex na inaasahang magdudulot ng mahal na presyo ng kuryente sa mamamayan ng Mindanao.


Wala pa ring lupa ang magsasakang Moro. Marami sa mamamayan ay walang trabaho at napipilitang mangibang bansa na lamang upang buhayin ang pamilya. Habang pababa nang pababa ang badyet para sa social services, tumitindi ang dehado nang pangekonomyang kalagayan ng mamamayang Moro.  Kung kaya, nananatili pa rin ang ARMM sa estado nito bilang isa sa pinakamahirap na rehiyon sa bansa. Marami sa mamamayang Moro ang hindi nakakapag-aral at ang mga komunidad ay hindi inaabot ng pinakapayak na serbisyong panlipunan. Sa pagbaba ng badyet para sa social services ay itinataas naman ang pondo sa digma at kasangkapang pang-giyera. Sa ARMM pinakamataas na buhos ng gastos militar sa patuloy na paglulunsad ng todo giyerang kampanya dito.



TODO GIYERA AT PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO


Ang rehimeng US-Aquino ang numero unong tagapaglabag ng karapatan ng Bangsamoro. Libu-libo nang insidente ng paglabag sa karapatang pantao ang naitala sa loob lamang ng halos 2 taong panunungkulan ni PNoy. Patuloy itong nagbubulag-bulagan at walang pakialam sa mamamayang Moro sa walang humpay na pagsuporta nito sa war on terror ng Estados Unidos. Nananatili itong bingi sa sigaw ng mamayan ng hustisya para sa biktima ng paglabag sa karapatang pantao subalit todo suporta ito sa mga human rights violator na mga tropang Kano na isang dekada nang nananatili sa bansa sa bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA).


Ang anti-Moro na rehimeng US-Aquino ay walang-kiming ibinabandila ang kanyang pagiging papet sa paglulunsad ng mga todo gyerang kampanyang militar sa lupain ng Bangsamoro bilang suporta sa war on terror. Naglunsad ito ng kampanyang “intensified war on terror” at giniyera pa nito ang Sulu sa panahon ng Ramadhan.  Binomba ang mga komunidad na Moro at maraming inosenteng sibilyan ang apektado. Hindi nito ginalang ang buwan ng Ramadhan na sagradong buwan at buwan ng  kapayapaan para sa mamayang Moro. Nilunsad din nito ang todo gyerang kampanya na pinabango na sa pangalang “All-out justice” at binomba ang mga komunidad sa Basilan at Payao, Zamboanga del Sur na nagdulot ng 40,000 mga bakwit, nasirang mga tahanan, kabuhayan at mga masjid na siyang bahay sambahan ng mamamayamg Moro. Nagmistulang mga ghost town ang mga komunidad at marami sa mamamayan ay hindi pa nakakabalik hanggang ngayon. Pinatunayan ni PNoy na wala itong ipinagkaiba sa pagiging berdugo ng sinundang rehimeng ipinangako niyang kanyang wawastuhin.  Utak-pulbura at militarista pa ito at ipinapakita nya ang kanyang pagiging berdugo sa mga komunidad na Moro na ginagawang experimental ground ng makabago at modernong kasangkapang digma, katulad na lamang ng drones na napatunayan nang ginagamit ng Estados Unidos sa Sulu.


Patuloy pa rin ang panghuhuli sa mga sibilyang Moro. Kaliwat-kanan ang paglabag sa karapatan, pag-tortyur, pagdakip kahit walang kasalanan at pagbibintang na terorista sa ordinaryong mamamayan. Lalo itong ipinalubha ng “Rewards for Justice” na programa ng imperyalistang US na may kaukulang pabuyang binibigay sa bawat makakapagbigay ng impormasyon na makahuhuli ng umano’y terorista. Sa kasalukuyan ay daan-daang Moro pa rin ang nakakulong dahil sa mga gawa-gawang kaso na isinampa sa mga ito, kabilang na dito ang tinaguriang Basilan 73 na isang dekada ng nakakulong sa Camp Bagong Diwa.


Walang halaga sa gobyerno ang karapatan ng mamamayan, maipakita lamang sa amo ang kanyang katapatan. Nananatili sa bansa ang mga tropang Kano sa mukha ng VFA na mariing tinututulan ng mamamayang Moro.  Sa isang dekada nang pananatili ng mga tropang Amerikano ay marami nang paglabag sa karapatang pantao sa pagkokondukta ng Balikatan exercises — ang pinakahuli ang pagkakapatay ng mangingisdang si Ahban Juhirin nitong Abril 19, 2012. Sinagasaan siya ng isang barkong ginagamit sa Balikatan sa Basilan.  Liban pa dito ay ang panggagahasa ng Pilipinang si Nicole, ang pagbaril kay Buyung-Buying Isnijal, pagbomba at pagkakasugat ni Bisma Juhan, at pagpatay sa interpreter na si Gregan Cardeño.  Ilan lamang ito sa mga natalang paglabag ng mga tropang Kano.



USAPING PANGKAPAYAPAAN AT KARAPATAN SA SARILING PAGPAPASYA


Sa simula pa lamang ay lantad na ang kawalan ng respeto ng rehimeng US-Aquino sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya o right to self determination.  Sa kabila ng kaliwa’t kanang pakulo sa midya upang ipakita ang kanyang kaseryosohan sa pagsulong sa kapayapaan ay kabaliktaran naman ang mga isinasakatuparang mga polisiya na patungkol sa usaping pangkapayapaan at RSD.  Sadyang nagsasawalang-bahala ito sa pagkilala ng ugat ng armadong tunggalian na isinusulong ng Bangsamoro at ng buong sambayanan. Ang mga sinasabi ni PNoy ay pawang panlilinlang lamang sa mamamayan at wala itong balak na harapin ang tunay na problema ng mamamayang Moro.


Sa unang taon pa lamang ng pagkaupo ay nilapastangan niya na ang awtonomiya ng ARMM na kinikilala ng Konstitusyon mismo ng reaksyunaryong gobyerno sa kanyang kagustuhang ikonsolida ang kaniyang pampulitikang kapangyarihan sa Mindanao.  Walang hiya nitong minaniobra ang batas upang makapagtalaga sya ng kanyang mga tao sa ARMM. Nagpapakita lamang ito ng mababa niyang pagtingin sa estado ng Moro sa lipunan. Nagpakita lamang ang rehimen ng kanyang pagka-anti-Moro at pagiging kasing-gahaman sa kapangyarihan sa mga nasundan niyang pangulo.


Sinasabi ng rehimen na nirerespeto nito ang RSD ng Bangsamoro at handa raw na umupo at makipag-usap para sa kapayapaan ngunit ito ay pagbabalatkayo lamang dahil habang nakikipag-usap ito ay ginigyera naman ang Bangsamoro.  Nakabalangkas din ang usaping pangkapayapaan sa pagnanais ng rehimen na pagsasapribado, pagbebenta ng likas na yaman at pagbubukas ng lupain ng Bangsamoro (ancestral domain) sa dayuhang pandarambong.  Kaya dapat mapangahas na nilalabanan ng mga kapwa rebolusyonaryong organisasyong Moro ang anumang tangkang angkinin ang lupain ng Bangsamoro para pakinabangan ng dayuhang transnational corporations.

PAMBANSANG DEMOKRATIBONG REBOLUSYON ANG SOLUSYON


Napatunayan natin na tama ang ating pagsusuri sa tunay na mukha ng reaksyunaryong estado, anumang pakana man ang ilunsad nito.  Walang pinagkaiba ang pagiging papet, pasista, at anti-Moro ng rehimeng US-Aquino sa mga nailuklok sa poder sa nakaraang mga rehimen.  Magpahanggang ngayon, sadlak sa kahirapan, kawalan ng lupa, at kawalan ng karapatang magdesisyong para sa sarili ang Bangsamoro.  Sa kapit-tukong pusisyon nito sa PPP at neoliberal na dogma pinapatindi ng rehimen ang pangekonomyang krisis ng mamamayang Moro. Lalo pang nilalapastangan ang pang-ekonomiya at pampulitikang karapatang ng Bangsamoro sa patuloy na pagpapalakas ng interbensyon ng Estados Unidos sa mga lugar ng Moro.  Lalo pang dinadagdagan ang badyet para sa digmaan ng magdudulot ng malawakang paglikas, kahirapan, at paglabag sa karapatang pantao.


Sa loob na naghaharing malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan, magiging bigo ang mamamayang Moro kung umasa sa reaksyunaryong rehimen upang ibigay ang tunay na awtonomya.  Hindi kailanman ibibigay ng rehimeng US-AQuino ito.  Kasama ng lokal na naghaharing-uri, ang uring kumprador burgesya at panginoong maylupa, ang nais lamang ibigay ng rehimeng US-Aquino sa mamamayang Moro ay palalang krisis pang-ekonomya, paglapastangan sa pampulitikang karapatan, at terorismong estado.   Kaya’t ang hangarin ng Bangsamoro sa tunay na karapatan sa sariling pagpapasya o RSD ay hindi hinihiling o ipinakikiusap kundi ipinaglalaban!  Pambansang demokratikong rebolusyon lamang ang solusyon!


Kaya’t sa ika-7 anibersaryo ng Moro Resistance and Liberation Organization, nananawagan tayo: kamtin natin ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating hanay.


Itaguyod ang armadong pakikibaka, sa balangkas ng pambansang demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba! Dito lamang makakamtan ang tunay na kalayaan at kapayapaan!
Hanggang sa tagumpay!


Jihad Al-Qursi
Tagapagsalita
Moro Resistance and Liberation Organization –
National Democratic Front of the Philippines

(MRLO-NDFP)





PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------
---------------------------------

0 comments:

Post a Comment