Friday, April 05, 2013

Kinakandili ni Aquino at ng AFP ang mga dumukot kay Burgos at mga umaabuso sa karapatang-tao



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: 
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/04/kinakandili-ni-aquino-at-ng-afp-ang-mga.html#more


Kinakandili ni Aquino at ng AFP ang mga dumukot kay Burgos at mga umaabuso sa karapatang-tao

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Abril 01, 2013

Translation: Aquino, AFP is coddling Burgos’ abductors and human rights abusers--CPP


Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Aquino at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa patuloy na pagkandili at pagtataas ng ranggo sa mga dumukot sa aktibistang magsasakang si Jonas Burgos noong 2007 at sa iba pang susing upisyal sa militar at depensa na responsable sa mga paglabag sa mga karapatang-tao at iba pang krimen.

Sa desisyong inilabas ilang araw na ang nakaraan, tinukoy ng Court of Appeals ang pananagutan ng AFP at mga elemento ng Philippine Army sa pagdukot noong 2007 kay Burgos sa Quezon CIty. Malaon nang iginigiit ito ng pamilya ni Burgos at ng mga organisasyon sa karapatang-tao subalit patuloy na itinatatwa ng AFP ang pananagutan nito.


"Matagal nang pinananatili ng AFP ang patakaran ng pagtatatwa sa papel nito sa pagdukot kay Jonas Burgos, maging sa pananagutan nito sa pagdukot, iligal na pagpiit at pagtortyur sa mga aktibistang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, sa mga magsasakang aktibista sina Raymond at Reynaldo Manalo at sa daan-daan pang kahalintulad na kaso," anang PKP. "Dumarami ang paglulubid ng mga pagsisinungaling at ang pagbato ng sisi sa mga rebolusyonaryong pwersa sa mga krimen nila at sa mga paglabag sa mga karapatang-tao".

Idiniin ng PKP na ang pangunahing upisyal militar na responsable sa aktwal na akto ng pagdukot kay Burgos na si 1Lt. Harry A. Balliaga, Jr. ay itinaas ng Philippine Army ng ranggo bilang major na ngayon ng army. Ang dating si Col. Eduardo Año, na kabilang sa mga binanggit sa reklamong isinampa ng pamilyang Burgos, ay heneral na ngayon at itinalaga ni Aquino noong isang taon bilang hepe ng sangay sa paniktik ng AFP.

"Ang hindi pag-aresto, pagpiit at pagsakdal sa bantog na pasistang heneral na si Jovito Palparan sa kabila ng mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya, ay nagpapakita ng pagkaipokrito ni Aquino sa pagtatabil hinggil sa mga karapatang-tao at kapayapaan," dagdag ng PKP.

"Sa patuloy na pagkandili sa mga kriminal na ito sa AFP, tuluy-tuloy na itinataguyod ng rehimeng Aquino ang kultura na pagkunsinti sa hanay ng militar at sa kampanya nito na paigtingin ang mapanupil na gera nito laban sa sambayanang Pilipino at sa kanilang mga rebolusyonaryong pwersa," anang PKP.

"Ayaw ni Aquino na gumawa ng aktwal na paglitis at paggawad ng hustisya sa sinumang upisyal ng AFP na sangkot sa nagpapatuloy na gerang mapanupil kung hindi ay magbabalewala at magpapahina ito sa gerang mapanupil ng Oplan Bayanihan na sumasandig sa matinding brutalidad at mga utak-pasista na mga upisyal at tauhang militar nito," anang PKP.

"Sa likod ng pagngangakngak ni Aquino hinggil sa kapayapaan at karapatang-tao at sa kaakibat na mga palabas na inilulunsad ng AFP, walang pagkakaiba ang Oplan Bayanihan sa mga brutal na kampanya ng panunupil sa nakaraan," anang PKP.






links:

http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/04/kinakandili-ni-aquino-at-ng-afp-ang-mga.html#more






OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment