DILG Central News
Pag-atake ng NPA sa mga pulis sa Cagayan kinondena ni RoxasMay 28, 2013
Mariing kinondena ni Kalihim Mar Roxas ng Interior and Local Government (DILG) nitong Martes/Mayo 28 ang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa grupo ng mga pulis sa Cagayan na ikinasawi ng walong miyembro ng Special Action Force.
Ayon kay Roxas, ‘karumal-dumal at walang pakundangan’ ang ginawang pag-atake ng NPA sa mga pulis na nagsasagawa lamang ng ‘medical examination’ sa barangay Allacapan ng tambangan ng mga rebelde Lunes ng umaga.
Base sa salaysay ng mga nakaligtas sa insidente, pinasabugan ang sinasakyan nilang truck bago pinaputukan ng hindi mabilang na rebelde na nakapaligid sa kanila.
“Itong pagatake ng mga NPA ay karumal-dumal at mariin kong kinokondena. Ang mga biktima rito ay hindi lamang mga pulis kundi pati na rin ang mga sibilyan na tahimik na namumuhay,” pahayag ni Roxas.
“Mariin kong kinokondena ang naturang pag-atake dahil ang ganitong uri ng kahayupan ay walang lugar sa isang mapayapang komunidad,” sambit ni Roxas.
“Ito’y tahasang pagyurak sa karapatang pantao. Mapayapang nagsasagawa lamang ng physical fitness test ang ating kapulisan ng sila’y tambangan at paulanan ng mga bala,” pahayag ni Roxas.
Ayon kay Roxas, maituturing na planado ang pag-atake ng NPA sa mga miyembro ng Special Action Force bunsod na rin sa kanilang posisyon at sa pamamaraan ng pananambang, kabilang na ang itinanim na bomba na nagwasak sa sasakyan ng mga pulis.
Tinawag ni Roxas ang mga biktimang pulis na ‘bayani ng taong-bayan’.
Ipinangako rin ni Roxas na kaagad na makukuha ng mga pamilya ng nasawing mga pulis ang karampatang benepisyo. Bawat pamilya ay makakatanggap ng P250,000.00 mula sa Presiden’t Social Fund, P141,000.00 hanggang P181,000.00 mula sa PNP’s SFA, pagpapalibing na P50,000.00 at gratuity benefit na nagkakahalaga ng P203,000.00 mula sa NAPOLCOM.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo na may P1.5 hanggang P2 milyon ang kabuuuang benepisyo na matatanggap ng bawat pamilya bukod sa P15,000 na buwanang pension mula sa PNP habang nabubuhay ang benepensaryo at katumbas na halaga mula sa NAPOLCOM sa loob ng limang taon.
Iginiit din ni Roxas na makatatanggap naman ng P170,000.00 bawat isa ang pamilya ng pitong pulis na nasugatan sa naturang pananambang.
DILG Website
http://www.dilg.gov.ph/
links:
links:
http://www.dilg.gov.ph/news.php?id=692&newsCategory=Central
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment