Friday, May 31, 2013

Hindi paglabag sa Ottawa Treaty ang paggamit ng command-detonated na mga pasabog



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links:  http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/05/hindi-paglabag-sa-ottawa-treaty-ang.html#more



Hindi paglabag sa Ottawa Treaty ang paggamit ng command-detonated na mga pasabog


Luis Jalandoni
Chairperson, NDFP Negotiating Panel
Mayo 28, 2013

Translation:Use of command-detonated land mines is not a violation of the Ottawa Treaty

Ang naambus na pangkat ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP) ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) kahapon sa Allacapan, Cagayan ay lehitimong target militar batay sa internasyunal na makatong batas. Bahagi ito ng armadong pwersa ng Gubyerno ng Pilipinas (GPH) na nagsasagawa ng mapanupil na gera laban sa mamamayan upang protektahan at ipreserba ang interes ng mga naghaharing uri ng malalaking panginoong maylupa at kumprador sa ilalim ng di makatarungang malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan.


Hindi paglabag sa Ottawa Treaty ang paggamit ng command-detonated na eksplosibo ng BHB. Isa itong lehitimong sandata ng BHB laban sa armadong pwersa ng gubyernong Aquino sa makatarungang digma ng rebolusyonaryong kilusan para sa pambansa at panlipunang paglaya. Hinahadlangan nito ang panlabang pwersa ng kaaway na kukkubin ang teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan at sa buong layang pagpinsala sa mamamayan.

Kung kaya, ang akusasyon ng negotiating panel ng rehimen at ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na nilalabag ng BHB ang Ottawa Treaty ay walang anumang batayan. Ang pagsangguni sa Republic Act 9851 ng GPH, na nilagdaan ng rehimeng Gloria Arroyo noong Diyembre 11, 2009 ay walang saysay. Hindi nito saklaw ang rebolusyonaryong kilusan at hindi ito maaaring ipalit sa anumang probisyon ng Ottawa Treaty na nagpapahintulot ng paggamit ng command-detonated na mga pasabog.

Hindi dapat tangkain ng negotiating panel ng GPH at ng OPAPP na pagtakpan ang marahas at brutal na katangian ng rehimeng Aquino sa pagpapanatili ng atrasado, agraryo at di industriyal at di maunlad sa lipunang Pilipino na nagbunsod ng pagdarahop, kawalang-muwang at sakit sa malaking mayorya ng sambayanang Pilipino para sa kapakinabangan ng iilang naghaharing uri ng malalaking panginoong maylupa at kumprador.

Pinakawalan ng rehimeng Aquino sa sambayanang Pilipino ang Oplan Bayanihan na dinisenyo ng US na tumatarget sa mga komunidad na sibilyan kabilang ang mga bata na nagreresulta ng napakaraming paglabag sa mga karapatang-tao at paggawa ng krimen sa digma na sapat-sapat na naisadokumento ng mga organisasyon sa karapatang-tao sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ang pagkukunwari ng negotiating panel ng GPH at ng OPAPP sa diumanong paghahangad ng isang mapayapang resolusyon sa armadong tunggalian ay pinabubulaanan ng kanilang mga deklarasyon kamakailan ng pagkitil sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at sa pagpapasikad ng rehimen sa pag-atakeng militar sa mamamayan. Walang ibang pagpipilian ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan kundi ang ipagtanggol ang kanilang sarili. Hindi maaaring atakehin ng mga pwersang militar, pulis at paramilitar ang mamamayan nang ganoon na lamang at walang seryosong pinsala sa panig ng kaaway.








links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/05/hindi-paglabag-sa-ottawa-treaty-ang.html#more



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment