Friday, October 04, 2013

Nakaluklok si Aquino sa tuktok ng bulok na gubyerno ng korapsyon at panunuhol


From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/10/nakaluklok-si-aquino-sa-tuktok-ng-bulok.html#more




Nakaluklok si Aquino sa tuktok ng bulok na gubyerno ng korapsyon at panunuhol

Partido Komunista ng Pilipinas
Oktubre 2, 2013

Translation:  Aquino sits on top of rotten heap of government corruption and bribery

Ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginamit ng Malacañang para makapaglabas ng di-programadong pondo ay walang iba kundi isang dambuhalang pork barrel ng presidente para suhulan o gantimpalaan ang mga konggresista at mga senador at bilhin ang katapatan ng mga upisyal ng gubyerno.

Ipinamamalas na ang paggamit ng pondo ng DAP na ito na si Aquino mismo ay nasa tuktok ng bulok na bunton ng korapsyon at panunuhol.

Sa nakaraang ilang araw, nalantad na si Aquino, tulad ng kinamumuhiang sinundan nitong si Gloria Arroyo, ay ginagamit nang lubos ang kanyang pondong DAP na pork barrel para suhulan ang mga senador at kongresista at matiyak ang kanyang adyendang pampulitika.

Noong 2011, ginamit ni Aquino ang P85.5 bilyon ng Pondong DAP (halos tatlong ulit ang laki sa batbat-ng-korapsyong Priority Development Assistance Fund o PDAF) upang siguruhin ang madulas na impeachment (pagpapatalsik) sa dating punong mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona. Wala ni isang kongresista, na tumangging lumagda sa resolusyon para sa impeachment, ang nakatanggap ng pondo mula sa DAP.

Noong 2012, naglabas ang rehimeng Aquino ng P1.27 bilyon ng dagdag na pork barrel sa ilalim ng DAP para sa senado bago at matapos ang kasong impeachemnt laban kay Corona. Sa ilang buwan ng pagdinig sa impeachment, di bababa sa P530 milyon ang pinakawalan para sa mga senador para impluwensyahan ang kaso.

Ilang buwan matapos ang paghusga kay Corona ng senado, bawat isang senador na pumanig sa Malacañang laban kay Corona ay tumanggap ng P50 milyon. Ang tatlong senador na bumoto para pawalang-sala si Corona ay di nakatanggap ng pera mula sa pondo. Sa kabilang banda, nakatanggap ang susing kaalayado ni Aquino na si Sen. Franklin Drilon ng P100 milyon mula sa pondo ng DAP noong panahong iyon.

Ang pagkakapasa ng Sin Tax Law at ng Reproductive Health Law, na personal na ikinampanya ni Aquino, ay napadulas rin sa paggamit ng bilyun-bilyong piso mula sa DAP.

Inamin ng mga tagapagsalita ng Malacañang na ang pondong mula sa DAP ay inilabas sa superbisyon ni Aquino, na naglalantad sa direktang pagkakasangkot ni Aquino sa panunuhol sa mga kongresista at senador. Si Aquino mismo ay nakipagtagpo kay Sen. Bong Revilla para impluwensyahan ang kanyang boto sa paglilitis kay Corona. Tumanggap si Revilla nang P86 milyon mula sa DAP.

Lubos na disgustado ang sambayanang Pilipino sa mga gawaing panunuhol si Aquino at sa pagtanggap ng suhol ng mga senador at kongresmang kaalayado ng naghaharing rehimeng Aquino. Ganap ang galit nila na ang mga gawain ito ay ipinatutupad gamit ang iligal na paglustay ng pondo sa ilalim ng DAP. Iginigiit ng sambayanang Pilipino na papanagutin si Aquino sa ganitong gawain ng panunuhol at korapsyon.

Kinukundena ng sambayanang Pilipino si Benigno Aquino III sa kanyang kampanya ng panlilinlang na "matuwid na daan" upang tabingan ang korapsyon at pagkabulok ng kanyang rehimen. Nais nilang wakasan ang tiwaling reaksyunaryong estado at ang bulok na naghaharing sistema.





  Article links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2013/10/nakaluklok-si-aquino-sa-tuktok-ng-bulok.html#more





OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment