Friday, March 16, 2018

On Duterte’s farcical terror trial against the CPP and NPA



 
From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links:  https://www.ndfp.org/on-dutertes-farcical-terror-trial-against-the-cpp-and-npa/



------------------------------

On Duterte’s farcical terror trial against the CPP and NPA

11 March 2018/Central Committe, Communist Party of the Philippines
March 11, 2018 | Pilipino»


The Communist Party of the Philippines (CPP) rejects the farce of a terror trial which the fascist US-Duterte regime is preparing to stage against the CPP and the New People’s Army (NPA).

This trial is set to be a public spectacle which Duterte wants to mount in a vain effort to keep a veil of legitimacy and credibility to his rampage of violence and murder. While Duterte keeps a façade of legal processes and claims to give those accused of affiliation with the CPP their “day in court”, it is in fact already waging a brutal campaign of state terror against all revolutionaries, progressives and other forces opposed to his fascist regime.

It is also set to be a reprise of the past anti-communist witchhunts with the listing of more than 600 names accused as leaders or members of the CPP and NPA. It is a veritable hitlist of Duterte’s perceived enemies including activists, political personalities, human rights defenders, leaders and elders of minority peoples, peace negotiators and consultants of the NDFP and other progressives. The list is supposedly supported by military intelligence, which is not so bright after all, as it includes people already murdered or disappeared by the AFP, not a few double entries and John and Jane Does for all the rest they want to drag into the case.

The Party denounces the Duterte regime for brandisihing his terror tag against the CPP and NPA and using scare-mongering as a weapon of tyranny. He aims to intimidate and silence the Filipino people and make everyone submit to his ambitious dictatorial schemes of monopolizing power and perpetuating himself and his family in Malacañang. He seeks to use the Human Security Act (the so-called Anti-Terror Law) to tag socially-rooted rebellion and dissent as terrorism in order to suppress people’s resistance and struggles, justify the curtailment of civil liberties and destigmatize the impunity of state forces.

With Duterte’s reign of terror and tyranny, where even the Supreme Court is armtwisted into bowing to his demands, and everyone accused of being members of the CPP is threatened with murder, the terror trial will be anything but fair. Its outcome is a foregone conclusion.

The Party firmly declares that Duterte’s regime of blatant terror, murder and brutality has no morale or political right to accuse the Party and the NPA of terrorism. As a matter of principle, the CPP and NPA will not allow themselves to be subjected to the farcical terror trial of the US-Duterte regime. What a monstrous perversion that Duterte the Terrorist is terror tagging the CPP and NPA!

Nonetheless, the Party and the NPA will vigorously challenge, expose and oppose publicly and politically, this farcical terror trial. Duterte’s 55-page petition submitted by his Department of Justice is a poorly-crafted half-baked hodgepodge of information drawn from the internet and “military intelligence” sources apparently written by a junior officer of the AFP and then signed by the senior state prosecutor. It should be dismissed straightaway. The Party enjoins all democratic and fair-minded people in the academe and legal circles to subject this petition to close critical review.

The CPP maintains that the petition does not contain an iota of proof that the revolutionary acts of the NPA are acts of terrorism. There is a vast ocean of difference between a people waging an armed revolution and unleashing terrorist violence against the people.

As revolutionaries with a just, democratic and patriotic cause and which rely on the support of the masses, the CPP and NPA oppose terrorism in all forms. The NPA is guided by strict rules of discipline which, among others, remind Red fighters not to take even a strand of thread or needle from the masses, to speak politely, do not damage crops, not to ill-treat captives and not to take liberties with women. All these are directly opposite of Duterte’s orders: “flatten the hills”, “bomb the Lumad schools”, “shoot them in the vagina”, “cut off the heads of the NPA and get your P25,000 reward” and so on. The NPA abides by the provisions of the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) and, through the NDFP, has declared its intention of applying the Geneva war protocols.

If there is anything that causes “widespread fear and panic among the people,” it is the terrorism of the US-Duterte fascist regime. Its reign of terror and tyranny has forced more than half a million people to leave their homes to pave the way for military reservations, plantations and mining operations.

His brutal “war on drugs” has resulted in the murder of more than 13,000, mostly small users of drugs, by police and state-sponsored vigilantes. Duterte’s “all-out war” and martial law in Mindanao has resulted in close to 150 activists murdered, rural communities bombed and attacked with mortar, civilian villages occupied by soldiers in the name of “peace” requiring people daily to enter their names in military logbooks, thousands of people made to sign blank documents and forced to present themselves as surrenderees under pain of arrest, hundreds more arrested and detained as political prisoners, civil liberties suppressed, freedom of travel and commerce restricted, and food and aid blockades imposed.

There are increasing number of cases of brutality by Duterte’s fascist minions including the torture and setting on fire of two activists on December 6, 2017 by elements of the 71st IB in Maco, Compostela Valley; the massacre of eight Lumad villagers in Lake Sebu, South Cotabato on December 3, 2017 by elements of 33rd and 27th IB; the killing last March 2 of Ricardo Mayumi, leader of Ifugao Peasant Movement (IPM) in Tinoc, Ifugao; the killing of 19-year old Lumad student Obillo Bay-ao by CAFGU elements last September 5, 2017 in Talaingod, Davao del Norte; the shooting of a pregnant woman by elements of the 8th IB in Bukidnon on July 2016; the raid and mortar attack by the 20th IB against an NPA mass clinic last December 16, 2017 in Catubig, Northern Samar; and so on.

Based on the bloody criminal record of Duterte and the AFP, the Filipino people can plainly see who are the real terrorists. Duterte’s ploy is to cover-up their terrorism by flinging the terror tag against the revolutionaries and dissenters.

Such schemes, however, will not succeed as the Filipino people will not be forever intimidated and silenced. They are bound to rise up and bring an end to the Duterte regime’s brutal war, tyranny, subservience and oppression.


Hinggil sa huwad na teroristang paglilitis ni Duterte laban sa PKP at BHB

Komite Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas

Marso 11, 2018


Itinatakwil ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang huwad na paglilitis sa terorismo (“terror trial”) na inihahandang ilunsad ng pasistang rehimeng US-Duterte laban sa PKP at sa Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Gustong simulan ni Duterte ang malaking palabas na ito sa desperasyong bigyan ng kredibilidad at pagkalehitimo ang inirargasa niyang karahasan at pagpatay. Maskara lamang ang prosesong ligal at pagkakaroon diumano ng mga akusadong kaugnay ng PKP ng karapatang “magtanggol sa sarili” sa korte, dahil katunayan, walang lubay ang brutal na kampanya ng terorismo ng estado laban sa lahat ng rebolusyonaryo, progresibo at iba pang pwersang tumututol sa kanyang pasistang rehimen.

Magiging pag-uulit rin ito sa nagdaang mga anti-komunistang panliligalig sa paglilista nito ng mahigit 600 pangalan ng inaakusahang lider o myembre ng PKP at BHB. Mistulang hitlist ito ng itinuturing ni Duterte na kaaway kabilang ang mga aktibista, personalidad sa pulitika, tagapagtanggol sa karapatang-tao, mga lider at matatanda ng mga grupong minorya, mga negosyador at konsultant pangkapayapaan ng NDFP at iba pang progresibo. Ang listaha’y suportado daw ng “military intelligence,” na hindi naman pala matalino gayong kabilang dito ang ilang pinatay o dinukot na ng AFP, ilang nag-ulit-ulit na pangalan at mga John at Jane Doe para sa ibang gusto nilang idawit sa kaso.

Tinutuligsa ng Partido ang rehimeng Duterte sa pagwawasiwas nito ng terror tag laban sa PKP at BHB at paggamit sa pananakot bilang sandata ng tiraniya. Layunin niyang sindakin at patahimikin ang sambayanang Pilipino at paluhurin ang lahat sa kanyang ambisyosong pakana diktadura para monopolisahin ang kapangyarihan at palawigin ang sarili at pamilya sa Malacañang. Ginagamit niya ang Human Security Act (ang tinaguriang Anti-Terror Law) para taguriang terorismo ang rebelyon at paglabang naka-ugat sa mga usaping panlipunan, bigyang matwid ang pagsiil sa mga karapatang-sibil at ipatanggap ang kawalang-habas ng mga pwersa ng estado.

Sa paghahari ng takot at tiranya, kung saan pinipilipit ang braso maging ng Korte Suprema para yumuko sa kanyang utos, at lahat ng inaakusahang myembro ng PKP ay binabantaang patayin, walang pag-asang maging patas ang terror trial. Alam na na natin ang kalalabasan nito.

Matatag na idinedeklara ng Partido na ang pinamumunuan ni Duterte na rehimen ng tahasang terorismo, pagpatay at brutalidad ay walang karapatang moral o pulitikal na paratangan ang Partido at BHB ng terorismo. Alinsunod sa prinsipyo, hindi ipahihntulot ng PKP at BHB na mapailalim sa huwad na terror trial ng rehimeng US-Duterte. Napakalaking buhong nitong Teroristang Duterte na tagurian terorista ang PKP at BHB!

Gayunman, puspusang hahamunin, ilalantad at lalabanan ng PKP at BHB sa larangang pampubliko at pampulitika ang huwad na terror trial na ito. Mahina ang pagkakagawa ng 55-pahinang petisyon ni Duterte na isinumite ng kanyang Department of Justice na pawang pinagtagpi-tagping impormasyong kuha sa internet at “military intelligence” na tila sinulat ng isang batang upisyal ng AFP bagaman pirmado ng nakatataas na tagapaglitis ng gubyerno. Dapat tahasan na itong ibasura. Hinihikayat ng Partido ang lahat ng taong demokratiko at patas mag-isip sa akademya at mga sirkulong legal na masusi at kritikal na repasuhin ang petisyong ito.

Naninindigan ang PKP na ang petisyong ito’y wala kahit gaalikabok na patunay na ang mga rebolusyonaryong gawa ng BHB ay mga gawaing terorista. Napakalawak na dagat ang pagkakaiba ng pagsusulong ng bayan ng armadong rebolusyon at pagpapakawala ng teroristang karahasan laban sa bayan.

Bilang mga rebolusyonaryo na may makatarungan, demokratiko at patriyotikong layunin at nakasandig sa suporta ng masa, tinututulan ng PKP at BHB ang lahat ng anyo ng terorismo. Ginagabayan ang BHB ng mahigpit na alituntunin sa disiplina na kinabibilangan ng pagpapaalala sa mga Pulang mandirigma na huwag kumuha kahit hibla ng sinulid o karayum mula sa masa, magsalita ng magalang, huwag manira ng pananim, huwag sasaktan ang mga bihag at huwag magsamantala sa kababaihan. Pawang tuwirang kabaligtaran ng mga ito ang mga utos ni Duterte: “patagin ang mga bundok,” “bombahin ang mga eskwelahan ng Lumad,” “barilin ang mga ari ng mga babae,” “pugutan ang mga NPA at kunin ang premyong P25,000” atbp. Sumusunod ang BHB sa mga prubisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), at sa pamamagitan ng NDFP, ay nagdeklara ng pagsunod sa mga protokol sa gera ng Geneva.

Kung mayroon mang nagdudulot ng “malawakang takot at kaguluhan ng tao,” ito’y walang iba kundi ang terorismo ng pasistang rehimeng US-Duterte. Dahil sa paghahari nito ng teror at tiraniya, mahigit kalahating milyon na ang napalayas sa kanilang mga tahanan upang bigyang daan ang mga reserbasyong militar, mga plantasyon at operasyon sa pagmimina.

Ang brutal na “gera sa droga” ay nagresulta sa pagpatay ng mga pulis at mga vigilante na kunektado sa estado sa mahigit 13,000, karamiha’y simpleng gumamit ng droga. Nagresulta naman ang “todong gera” at martial law sa Mindanao sa pagpatay sa mahigit 150 aktibista, pagbobomba at panganganyon sa mga komunidad sa kanayunan, pagsakop ng mga sundalo sa mga sibilyang komunidad sa ngalan ng “kapayapaan” kung saan inoobliga ang mga tao na araw-araw na ilagay ang pangalan sa logbook ng militar, pagpapapirma sa libu-libo sa mga blangkong papel at pagpwersa sa kanila na humarap bilang nagsurender sa bantang aarestuhin, daan-daan ang inaresto at idinetine bilang bilanggong pulitikal, pagsikil sa karapatang sibil, paghihigpit sa karapatang bumyahe at komersyo, at pagpataw ng blokeyo sa pagkain at tulong.

Pahaba nang pahaba ang listahan ng kaso ng brutalidad ng mga pasistang alagad ni Duterte kabilang ang pagtortyur at pagsilab sa dalawang aktibista noong Disymebre 6, 2017 ng mga tauhan ng 71st IB sa Maco, Compostela Valley; ang masaker sa walong Lumad na taumbaryo sa Lake Sebu, South Cotabato noong Disyembre 3, 2017 ng mga tauhan ng 33rd at 27th IB; ang pagpatay noong Marso 2 kay Ricardo Mayumi, lider ng Ifugao Peasant Movement (IPM) sa Tinoc, Ifugao; ang pagpatay sa 19-taong gulang estudyanteng Lumad na si Obillo Bay-ao ng elemento ng CAFGU noong Setyembre 5, 2017 sa Talaingod, Davao del Norte; ang pagbaril sa isang buntis ng mga elemento ng 8th IB sa Bukidnon noong Hulyo 216; ang reyd at panganganyon ng 20th IB sa klinik ng BHB sa Catubig, Northern Samar; at iba pa.

Batay sa madugong kriminal na rekord ni Duterte at ng AFP, malinaw na malinaw sa sambayanang Pilipino kung sino ang tunay na terorista. Ang pakana ni Duterte ay pagtakpan ang kanilang terorismo sa pamamagitan ng pagbato ng terror tag laban sa mga rebolusyonaryo at iba pang mga lumalaban.

Subalit hindi magtatagumpay ang mga iskemang ito dahil hindi habambanahong masisindak at mapatatahimik ang sambayanang Pilipino. Sa malao’y magbabangon sila upang wakasan ang brutal na gera, tiraniya, pangangayupapa at pang-aapi ng rehimeng Duterte.



CPP/NPA/NDF Website



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment