Friday, March 02, 2018

Reyd at Ambus sa Quezon, Pagsuporta sa Pakikibaka ng mga Magsasaka upang Buwagin ang mga Asyenda sa Bondoc Peninsula




Hinggil sa Bigong Pagsalakay ng 31st IBPA sa NPA-CMC sa Brgy. Caditaan, Magallanes, Sorsogon


----------------------------------


Reyd at Ambus sa Quezon, Pagsuporta sa Pakikibaka ng mga Magsasaka upang Buwagin ang mga Asyenda sa Bondoc Peninsula
 

Matagumpay na nailunsad ng mga yunit ng NPA sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command ang dalawang magkasunod na operasyong reyd at ambus sa Bondoc Peninsula ng petsa-26 at 27 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng 10 iba’t-ibang kalibreng baril, kabilang ang 6 na regular M16, 2 caliber .22 long at 2 45 caliber pistol, mga bala at iba pang mga kagamitang militar. Napinsala rin ang hindi bababa sa 10 kagawad ng 85th IBPA kung saan 5 ang kumpirmadong patay. Hinuli, binigyan ng mahigpit na babala at pinalaya ang 6 na armadong tauhan ng dispotikong panginoong maylupa na si James Murray kabilang ang 2 aktibong kagawad ng CAFGU. Kasabay nito, sinunog ang detachment ng private army ni James Murray.


Naganap ang reyd bandang alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ng Marso 26 sa detachment ng private army ng Tumbaga Ranch na pagmamay-ari ng pamilyang Murray sa Brgy. Pagsangahan, San Francisco, Quezon. Mabilis na nakontrol at nanyutralisa ng mga pulang mandirigma ang lahat ng armadong tauhan ni James Murray ng wala ni isa mang putok at nakumpiska ang kanilang mga baril.

Naganap naman ang ambus laban sa pwersang pangreimpors ng 85th IBPA na nakasakay sa isang military truck bandang alas-9 ng umaga sa Brgy. Bacong Ilaya, General Luna, Quezon. Kumpirmadong napatay ang lima at nasugatan ang 9 pa sa mga pwersa ng kaaway na nakasakay sa military truck. Dinala ang mga ito sa morge at mga ospital sa bayan ng Catanauan habang ang mga malalala ay inilipat ng ambulansya sa ospital sa Lucena.
Bukod sa mga nabanggit na labanan sa nakaraang dalawang araw, wala ng naganap na labanan sa pagitan ng NPA at AFP sa Bondoc Peninsula. Sa gayon, pinabubulaanan ng mga pahayag na ito ang fake news na pinakakalat ng tagapagsalita ng AFP na may naganap pang labanan sa Brgy. 9 ng Poblacion ng Catanauan at sa Brgy. Panaon, Unisan, Quezon, pati ang mga pinakakalat ng mga itong dinukot na mga sibilyan. Nagkakabuhol-buhol na ang mga tagapagsalita ng AFP sa pambabaluktot ng mga balita laban sa NPA at rebolusyonaryong kilusan. 

Nasa proseso pa kami ng pag-iimbistiga at pagbeberipika sa iniulat na may 5 nasugatang sibilyan sa isinagawa naming ambus. Nililinaw naming pinakamataas na pagsasaalang-alang ang ginagawa ng NPA sa buhay at kabuhayan ng mga sibilyan sa bawat inilulunsad naming operasyon. Nakahanda kaming magpuna at magbayad ng kaukulang danyos perwisyo sa mga nasugatang sibilyan kung ito man ay totoo. Hinihikayat naming lumapit sa alinmang yunit ng NPA ang pamilya ng mga nasugatan. 

Ang aksyong militar ng Apolonio Mendoza Command ay bahagi ng nagpapatuloy na mga pagsisikap ng NPA sa pagpapatupad ng programa upang suportahan ang pakikibaka ng masang magsasaka na buwagin ang mga asyenda sa Bondoc Peninsula at ipamahagi ng libre ang lupa sa mga magsasaka. Ang Tumbaga Ranch ay malaon ng nangamkam ng 5,000 mayamang lupain sa bayan ng San Francisco at malaon ng nilalabanan ng mga magsasaka at ng NPA. Matatandaang nauna na itong nireyd ng NPA noong Disyembre 14, 1997. 

Upang makapanatili sa kanilang paghahari at pangangamkam sa lupain, nagtayo ang mga ito ng private army sa pamamagitan ng mga armadong tauhang bayaran na mga opisyal at kagawad ng 201st Brigade ng Philippine Army at mga CAFGU, bukod sa ilang mga bayarang sanggano. Maraming mga magsasaka at manggagawa sa loob at paligid ng Tumbaga Ranch ang kanilang mga binaril, pinalayas, pinagbawalan at winasak ang mga kaingin, mga binugbog at iba pang mga anyo ng pang-aapi, pagsasamantala at karahasan. Aktibung-aktibo ang mga ito sa paglaban sa NPA at rebolusyonaryong kilusan.

Magpapatuloy na magsasagawa ng mga operasyong reyd at ambus ang mga yunit ng Apolonio Mendoza Command laban sa mga armadong goons ng mga panginoong maylupa at laban sa mga pwersa ng AFP-PNP-CAFGU upang wasakin ang mga ito hanggang sa makamit ang mithiin ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang binubungkal.

Magpapatuloy na magsasagawa ng mga operasyong reyd at ambus ang mga yunit ng NPA upang ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte na siyang nagtatanggol sa interes ng mga panginoong maylupa, malalaking burgesya kumprador at ng mga monopolyo kapitalismo laban sa masang magsasaka, manggagawa at sambayanang Pilipino.
Ipagtagumpay ang laban ng mga magsasaka para sa lupa!
Isulong at ipagtagumpay ang digmang bayan!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!



CPP/NPA/NDF Website



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment