From the Website of PRWC CPP-NPA-NDFArticle links: https://cpp.ph/statement/kinukundena-ng-npa-west-camarines-sur-ang-masaker-sa-sorsogon-na-kagagawan-ng-afp-pnp-sa-gitna-ng-pandemyang-covid-19/
Kinukundena ng NPA West Camarines Sur ang masaker sa Sorsogon na kagagawan ng AFP-PNP, sa gitna ng pandemyang Covid-19
Ang malagim na masaker ay resulta ng pinagsanib na operasyon na
isinagawa ng 31st IB, PNP 9th Special Action Force Battalion, military
at police intelligence units, kasabay ang regional at provincial mobile
force units ng PNP.
Ginagamit ng reaksyunaryong gubyerno ang pandemya para bigyang
katwiran ang lubos na panggigipit at panunupil sa sibilyang populasyon.
Hindi kontentando si Duterte sa pagpapatupad ng Memo 32 sa Negros, Samar
at Bicol na naglalagay sa mga ito sa de Facto Martial Law. Dahil sa
laganap na pandemya, nagkaroon ulit nang dahilan ang rehimen para
malayang makapanupil ang AFP-PNP sa hanay ng malawak na masa sa buong
bansa.
Ang sistematikong panunupil ay laganap ngayon sa iba’t ibang panig
ng Kabikulan. Sa unang Distrito ng Camarines Sur, nitong Mayo 3 ng gabi,
dinukot ng sampung armadong kalalakihan sa kanilang pamamahay si
Apolinario Vergara, 38 taong gulang may pamilya na taga Del Carmen,
Lupi. Batay sa mga nakasaksi, binugbog si Vergara ng mga dumukot sa
kanya. Kinalaunan, inanunsyo ni PLt. Col. James Ronatay, tagapagsalita
ng Camarines Sur Police Provincial Office, na si Vergara di umano ay
kasapi ng NPA at nagsurender dahil aniya sa hirap na kaniyang
nararanasan sa bundok dahil sa pinapairal pa rin na ‘Community
Quarantine.’ Sapilitan siyang pinasuko at isinailalim sa hungkag na
Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Imbes na tulungan ang mamamayan sa sobrang kahirapan dahil sa
pandemya, mas pinili ng gubyerno na gamitin ang pagkakataon para sa
hibang na ambisyon nitong supilin at durugin ang lehitimong paglaban ng
mamamayan at ng rebolusyonaryong kilusan. Walang pinipiling panahon at
oras si Duterte para pakilusin ang kaniyang mga militar at pulis para
palasapin ng kanyang nakamamatay na bayrus ang mamamayan. Kakambal ito
ng mga arbitrayong restriksyon sa ilalim ng ECQ at GCQ, na pareho lang
sa esensya at pilit na, ay pilit na ipinalulunok sa masang inaapi. Para
kay Duterte, walang ibang solusyon sa Covid-19 kundi ang magpagapos sa
kanyang batas militar na pamamaraan sa tabing ng lockdown at new normal
stage diumanodi umano’y new normal stage.
Sa gitna ng inutil at militaristang pagharap ng rehimeng US-Duterte
sa Covid-19, tinitiyak naman ng mga rebolusyonaryong pwersa sa
kanayunan na maghanda sa banta ng pagkalat ng Covid-19 at pagkalat ng
AFP-PNP na nagpapalaganap ng bayrus ni Duterte sa malawak na mamamayan.
Inaasahan na higit na bulberable ang masa sa kanayunan sa pandemya dahil
sa kawalan ng sapat na serbisyong medikal sa ilalim ng reaksyunaryong
gubyerno. Magpapatuloy ang takot at banta sa buhay ng mamamayan dahil sa
matinding militarisasyon.
Dahil dito, pangunahing tungkuling ngayon ng Bagong Hukbong Bayan
na pagkaisahin ang mamamayan at mahigpit na makipagkapit-bisig sa kanila
para labanan ang epekto ng pandemya at para supilin ang Duterte bayrus.
Susi dito ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa at pagpapataas
ng produksyon upang lutasin ang kagutuman at kasalatan ng pagkain na
dulot ng pinalalawig ng “lockdown”.
Nananawagan ang NGC sa mga Bikolano na biguin ang tangka ni Duterte
na gamitin ang pandemyang Covid para sa walang habas na paninindak at
panunupil sa mga pwersang lumalaban. Sa panahon ng pandemyang Covid-19,
nalantad ang kainutilan ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte at ang
pinaghaharian nitong malakolonyal at malapyudal na lipunan na wala itong
makabuluhan at epektibong solusyong maka-mamamayan para labanan ang
krisis pangkalusugan. Dapat panatilihin ng rebolusyonaryong pwersa ang
militansya at postura ng aktibong depensa sa patraydor at buhong na mga
atake ng rehimeng US-Duterte.###
Pahayag ng BHB-Albay sa masaker sa limang magsasaka ng Brgy. Dolos Bulan Sorsogon
CPP/NPA/NDF Website
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment