From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/ikinulong-na-mamamahayag-na-sinampahan-ng-kaso-kaugnay-sa-terorismo-muling-iginiit-na-palayain/
Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa “terorismo,” muling iginiit na palayain
Muling
ipinanawagan ng mga grupo ng mamamahayag at mga tagapagtanggol ng
karapatang-tao na palayain ang pinakabatang mamamahayag na nakakulong sa
buong mundo, si Frenchie Mae Cumpio, noong Enero 23. Nagprotesta sila,
sa pangunguna ng Altermidya Network, sa Department of Justice sa
Maynila. Itinaon ang protesta sa ika-25 kaarawan ni Cumpio at sa
pagbisita ng Special Rapporteur ng United Nations para sa kalayaan sa
opiniyon at pagpapahayag na si Irene Khan sa Pilipinas.
Si Cumpio
ay mamamahayag ng Eastern Vista, alternatibong midya sa rehiyon ng
Eastern Visayas. Inaresto siya kasama sina Marielle “Maye” Domequil ng
Rural Missionaries of the Philippines, Alexander Philip Abinguna, Mira
Legion at Marissa Cabaljao sa isang iligal na reyd ng mga pulis noong
Pebrero 7, 2020 sa isang upisina sa Tacloban City. Sinampahan sila ng
mga kasong illegal possession of firearms.
Noong Hulyo 2021,
sinampahan ng estado ng dagdag na kasong “financing terrorism” sina
Cumpio at Domequil. Pinalalabas ng estado na ang pondong nasamsam mula
sa kanila ay para umano sa mga operasyon ng Bagong Hukbong Bayan na
pilit nitong binabansagan bilang “teroristang organisasyon.”
Nagpatunog
ng maliliit na kampana ang mga nagprotesta na ginamit nilang simbolo
kaugnay ng programa ni Cumpio sa radyo na ‘Lingganay Han Kamatuoran’ o
‘Bells of Truth.’ Umaasa ang mga nagprotesta na maririnig ni UNSR Irene
Khan ang kanilang mga panawagan at iimbestigahan ang mga pag-atake ng
mga pwersa ng estado laban sa mga mamamahayag pangkomunidad at
alternatibong midya.
Dapat umanong may mapanagot sa patung-patong
nang mga kaso ng panggigipit, red-tagging, at paggamit sa mga batas
gaya ng Anti-Terror Law at cyberlibel laban sa mga mamamahayag. Anila,
nilalabag nito ang batayang karapatan ninuman sa malayang pagpapahayag.
CPP/NPA/NDF Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment