Wednesday, July 30, 2025

Writ of amparo at habeas data, iginawad ng Court of Appeals sa pamilya ng desaparesido

 


 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article : 
https://philippinerevolution.nu/angbayan/writ-of-amparo-at-habeas-data-iginawad-ng-court-of-appeals-sa-pamilya-ng-desaparesido/



Writ of amparo at habeas data, iginawad ng Court of Appeals sa pamilya ng desaparesido

sang malaking tagumpay para sa mga pamilya, kaibigan at mga organisasyon na nagtataguyod ng karapatang-tao ang paggawad ng Court of Appeals ang writ of amparo at habaes data sa pamilya ni Felix Salaveria Jr nitong Hulyo.

“Kahit anong tagumpay sa aming panig ay isang liwanag ng pag-asa sa isang napakadilim na daan. Umaasa at nanalangin kami na makakapiling na namin ang aming ama!” pahayag nila Felicia at Gabreyel Ferrer, mga anak ni Salaveria.

Si Salaveria ay isang 66-taon na siklista at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo. Dinukot siya sa Tabaco City sa Albay noong Agosto 28, 2024 ng mga indibidwal na nakasibilyan. Nakita ang insidente ng kaniyang mga kapitbahay at nakuhanan ng CCTV. Limang araw bago nito, dinukot sa parehong paraan ang kaibigan niyang si James Jazmines.

Ang writ of amparo ay para sa proteksyon sa buhay at kalayaan mula sa pang-aabuso, habang ang writ of habeas data ay para ipagtanggol ang dignidad sa pamamagitan ng pagprotekta sa katotohanan at pribasiya. Ang mga ito ay nagsisilbing panangga ng mamamayan mula sa tiraniya.

Sa atas ng korte, dapat ipreserba at ibigay lahat ng importanteng dokumento ng militar at iba pang isinakdal ng pamilya sa Commission on Human Rights (CHR) at ibang ahensya na nag-iimbestiga sa kaso. Ang mga nasasakdal ay dapat maglunsad ng seryoso, epektibo at malalim na imbestigasyon hinggil sa pagkawala ni Salaveria at dapat maglunsad ng kasabay na imbestigasyon ang CHR.

Ayon sa suri ng korte, bigo at hindi nagsikap ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan nang maayos ang kaso, kaya’t responsable at may pananagutan ito sa patuloy na pagkawala ni Salaveria.

“Isang malaking hakbang pasulong ang desisyon ng korte ngunit hindi pa tapos ang laban,” pahayag ni Atty. Ben Galil Te, isa sa mga abugado ng pamilya.

“Habang umiiwas sa responsibilidad ang estado at itinatago ang katotohanan, determinado ang aming mga kliyente na kamtin ang hustisya, hindi lamang para ilitaw si Salaveria kundi para managot lahat ng imbwelto, kahit ang nasa matataas na pusisyon sa gubyerno,” dagdag ni Atty. Te.

Unang naghain ng Writ of Amparo at Habaes Data ang mga abugado ng pamilya na mula sa La Vina Zarate & Associate sa Korte Suprema noong Nobyembre 14, 2024. Naglabas naman ng mga writ ang Korte noong Enero, pabor kay Salaveria.



CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-

0 comments:

Post a Comment