Friday, November 30, 2012

Opensiba sang BHB sa Nabagatnang Panay



From the Website of the PRWC - CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/opensiba-ng-bhb-sa-katimugang-panay.html



Napoleon Tumagtang Command
NPA-Southern Panay
Nobyembre 22, 2012

Original Hiligaynon Statement:


Opensiba sang BHB sa Nabagatnang Panay



Dalawa ang napatay at apat ang nasugatan nang tambangan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan  sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command (NTC-BHB) ang isang kolum ng Bravo Coy ng 82nd IB sa Sityo Tabionan, Brgy. Bucari, Leon, Iloilo noong Oktubre 27, mga alas-7:30 ng umaga. Isa sa dalawang napatay ay si PFC John Philip Durana na taga-Jaena Sur, Jamindan, Capiz.



Ang tinambangang yunit ng 82nd IB ay isa sa apat na kolum ng militar na nag-ooperasyon at nanghahalihaw sa kagubatan para maengkwentro ang BHB. Binantayan sila ng yunit ng BHB at dalawa kaagad ang  nabuwal sa unang bugso ng putok. Mabilis na sumaklolo ang malapit na ikalawang kolum ng kaaway. Nagmaniobra naman ang yunit ng BHB at ligtas itong nakaatras.

Bandang alas-12 ng tanghali noong araw ding iyon, dumating ang saklolo na isang ayudang MG520 at isang Huey helikopter upang kunin ang anim na kaswalti. Pero, pumalya ang Huey helikopter at nag-crash landing ito malapit sa Sityo Tabionan. Idinaan na lamang sa poblasyon ng Leon ang mga kaswalti.


Nagdagdag ng pwersa ang militar na kinabibilangan ng mga elemento ng 61st IB mula sa sentral Panay at 31st Division Reconnaisance Company. Pinaputukan naman ng isang yunit ng NTC-BHB ang kumikilos na kaaway sa Brgy. Danao, Leon, na katabi lamang ng Tabionan noong hapon ng araw na iyon. Masunod na araw ng Oktubre 28, bandang alas-7:00 ng gabi, binulabog naman ng isang yunit ng NTC-BHB ang command post ng Alpha Coy ng 82nd IB na nakahimpil sa Brgy. Lanag, Tubungan na malapit sa hangganan ng bayan ng Leon. Nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga tropa na noon ay naglalaro ng basketbol sa plasa at naiwan nila ang kanilang mga armas. Laking gulat na lamang ng kanilang CO na natutulog dahil nang magising ito ay siya na lamang ang naiwan sa detatsment.


Noong Oktubre 30, dumating ang mekaniko ng helikopter na nasira at nakatambay sa Sityo Tabionan. Pero, hindi naayos ang Huey dahil nadisgrasya at nahulugan ng bakal ang ulo ng tinyente na mekaniko at siya naman ang dinala sa ospital. Ilang araw pa at muling pinuntahan ng mekaniko para ayusin ang helikopter pero nang subukang paandarin at lilipad na sana, umusok at umapoy ang helikopter at tuluyang hindi na ito makalipad. Pinagtatanggal na lamang ng militar ang mga pyesa ng Huey at sinunog ang ibang bahagi ng helikopter.


Samantala, noong Setyembre 27, isang kasapi ng Revolutionary Proletarian Army (RPA) ang napatay at dalawa ang nasugatan nang ambusin sila ng isang yunit ng BHB sa ilalim ng NTC-BHB sa Brgy. Valentin Grasparil, Sibalom, Antique. Nakumpiska ng BHB ang isang karbin, dalawang maikling armas, mga bala, granada at iba pang gamit militar at mga dokumento.


Natuwa ang masa at mga alyado sa paligid ng mga barangay ng Sibalom at kanugnog na lugar ng San Joaquin, Iloilo dahil nabawasan na ang mga bandidong RPA na nangingikil sa kanila.


Bago ito, noong Agosto 27, isang sundalo ng 82nd IB ang nasugatan nang maengkwentro nila ang isang yunit ng BHB sa Brgy. Onop, Miag-ao, Iloilo.











OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights







PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

---------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment