links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/sinu-sino-ang-mga-kriminal-na-dapat.html#more
Sinu-sino ang mga kriminal na dapat managot sa sambayanang Pilipino?
Luis G. JalandoniTagapangulo, NDFP Negotiating Panel
Nobyembre 18, 2012
Mariing kinukundena ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang rehimeng Aquino sa inilabas nitong pabuya na nagkakahalaga ng P466.88 milyon para sa ikadarakip ng diumanong 235 lider ng rebolusyonaryong kilusan. Isa na naman itong tahasang paglabag sa umiiral na bilateral na kasunduang pangkapayapaan na nagbibigay ng mga garantiya sa kaligtasan at imunidad sa mga sangkot sa usapang pangkapayapaan. Inilalantad nito ang lubos na pag-alipusta ng rehimeng Aquino sa usapang pangkapayapaan sa NDFP.
Nilaman ang inihapag na pabuya sa DILG-DND Joint Order No. 14-2012 na imbing ikriminalisa ang rebolusyonaryong kilusan na may matibay at malawak na suporta ng mamamayan na ang mga saligang pambansa at demokratikong interes ay itinataguyod at ipinagtatanggol ng rebolusyonaryong kilusan.
Sa totoo, sinu-sino ba ang mga kriminal na dapat managot sa sambayanang Pilipino? Sila yaong nagsakatuparan ng ekstrahudisyal na pamamaslang kay Fr. Pops Tentorio, sa Dutch na si Willem Geertman, kay Leonardo Co at sa 111 iba pa sa panunungkulan ng rehimeng Aquino. Sila yaong nagpatupad ng mga pwersahang pagdukot kina Leo Velasco, Prudencio Calubid, Rogelio Calubad at sa 12 iba pa simula noong Hulyo 1, 2012. Sila yaong responsable sa pwersahang pagpapalikas at demolisyon sa 8,266 biktima; at sila yaong nagsagawa ng pwersahang ebakwasyon sa 29,613 sa ilalim ni Benigno Aquino III.
Batid ng taumbayan kung sinu-sino ang mga kriminal na dapat managot sa kanila.
CPP/NPA/NDF Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/sinu-sino-ang-mga-kriminal-na-dapat.html#more
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
---------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------
-----------------------------
---------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment