From the Website of the PRWC - CPP-NPA-NDF
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/taktikal-na-opensiba-sa-isabela.html#more
links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/taktikal-na-opensiba-sa-isabela.html#more
Taktikal na Opensiba sa Isabela, inspirasyon para sa mamamayan
Patnubay de Guia
NDFP-Southern Tagalog
Novermber 21, 2012
Binabati ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan ang Benito Tesorio Command-Bagong Hukbong Bayan Isabela sa matagumpay na taktikal na opensibang inilunsad laban sa 52nd Division Reconnaissance Company, nito lamang ika-17 ng Nobyembre, 2012. Sa nasabing labanan, nasamsam ng BHB ang apat (4) na machine gun, apat (4) na ripleng M-16 at mga kagamitang militar. Napaslang naman ang pitong (7) pasistang sundalo at nasugatan ang siyam (9) na iba pa.
Patunay ang matagumpay na taktikal na opensibang ito sa patuloy na paglakas ng rebolusyunaryong kilusan sa Cagayan Valley-Kabundukan ng Sierra Madre partikular sa probinsya ng Isabela at nagpapabulaan sa ilusyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na humina na ang rebolusyunaryong kilusan sa lalawigan. Magsisilbi itong inspirasyon hindi lamang sa mamamayan ng Isabela kundi pati ng ibang rehiyon. Patunay din ito ng superyuridad ng taktika ng pakikidigmang gerilya na inilulunsand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kanayunan.
Isang makatarungang digma para sa demokratikong interes ng sambayanan ang inilulunsad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan. Ito ang tugon ng rebolusyunaryong mamamayan sa kontra rebolusyunaryong dahas na inilulunsad ng AFP na nagtataguyod sa interes ng naghaharing PML-komprador sa bansa.
Sa kanilang kabiguan, ang AFP ay muling naghabi ng kasinungalingan at itim na propaganda upang ibaba sa simpleng bandidong grupo ang Bagong Hukbong Bayan. Malisyosong pinalilitaw ng AFP sa kanyang mga pahayag na isa lamang simpleng kasong krimen ang naganap na engkwentro sa pagitan ng mga rebolusyunaryong BHB at pasistang AFP sa Echague Isabela. Hindi nito maamin-amin na ito ay isang lehitimong aksyong militar na ekspresyon ng pagtutol at paglaban ng mamamayan sa nararanasang labis na kahirapan at laban sa pasismong inihahasik ng reaksyunaryong AFP.
Upang siraan ang hukbong bayan, naglulubid ng kasinungalingan ang AFP at pinalalabas na pinatay nang walang laban ang mga pasistang sundalo at ninakaw ang mga kagamitang militar na kinumpiska ng BHB sa labanan. Ang BHB ay isang rebolusyunaryong hukbo na mahigpit na nagpapatupad at tumatalima sa Batas ng Digmaan at may sariling panuntunan sa disiplina ayon sa Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan. Palibhasa ay kagawian ng AFP ang pagpyestahan para sa kanilang sarili ang mga nakukulimbat sa masa at sa kanilang napapaslang na mga mandirigma ng BHB, nais nitong ihalintulad sa kanilang gawi ang pagkumpiska ng mga rebolusyunaryo sa mga armas na instrumento ng mga militar sa panunupil sa mamamayan. Ang katotohanan, ang AFP ang may mahabang listahan ng pagyurak sa karapatan ng mamamayan – pamamaslang, pagnanakaw, panggagahasa, pagmamalupit, panununog at marami pang iba. At ang mga ito, nagagawa lamang nila sa mga ordinaryong sibilyang walang laban. Sa harap ng mga kasong ito, walang dangal ang AFP sa pagtalikod sa mga pananagutan nito at pilit pa ring pinagtatakpan ang kanilang mga pag-abuso sa mamamayan.
Kinakatawan ng BHB ang rebolusyunaryong paglaban ng aping sektor ng lipunan na piniling maghimagsik upang baguhin ang bulok na sistemang umiiral sa bansa. Ang BHB ay hindi lamang hukbo para tumupad ng mga tungkuling militar kundi isa rin itong hukbong nagsusulong ng produksyon at reporma sa lupa upang lutasin ang pundamental na suliranin ng kakulangan o kawalan ng lupa ng masang magsasaka. Milya-milya ang pagkakaiba nito sa bayarang AFP na protektor ng interes ng mga panginoong maylupa-komprador, ng malalaking korporasyon sa pagmimina't pagtotroso at iba pang dayuhang interes.
Hindi matanggap ng reaksyunaryong gobyerno ang masaklap na kapalaran ng mga sundalong nasugatan at namatay sa labanan. Ang mga kaswalti sa mga labanan sa pagitan ng mga magkatunggaling hukbo ng mga pwersang belligerent ay natural na batas ng digmaan kaya't kahibangan ang pinalalabas ng reaksyunaryong Gobyerno ng Pilipinas (GPH) at AFP na isang kasong kriminal ang nangyaring pananambang at pagsasamsam ng mga kagamitang militar at iba pang katulad na insidente sa ibang rehiyon. Bilang tagapagtanggol ng interes ng mamamayan, tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan na durugin at alisan ng kakayahang lumaban ang AFP na muog ng kontra-rebolusyunaryong karahasan laban sa mamamayan. Anumang armas na ginagamit laban sa mamamayan ay kailangang kumpiskahin at gamitin sa pagtatanggol at pagtataguyod ng kanilang demokratikong karapatan.
Nagsisilbing inspirasyon para sa mamamayan ang mga sunod-sunod na taktikal na opensiba na inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan.
Habang ibayong nagpapatindi ng pananalakay ang AFP sa mga larangang gerilya ng Timog Katagalugan, partikular sa mga probinsya ng Quezon, Rizal at Batangas, patuloy namang nagpupunyagi at lumalakas ang ibang larangang gerilya sa ibang bahagi ng rehiyon at buong bansa. Patuloy na umuunlad ang mga larangang gerilya sa kanayunan sa kabila ng mga pasistang atake ng AFP. Ito ang batas ng kasaysayan na kailangang maunawaan ng mga reaksyunaryong pasista – na ang kasaysayan ng paglaban ng rebolusyunaryong mamamayan ay laging kinokoronahan ng dakilang mga tagumpay laban sa pang-aapi at pagsasamantala.
Ang tagumpay ng mamamayan ng Isabela ay kabilang ngayon sa mga tagumpay ng sambayanang Pilipino para sa katarungan at kanilang demokratikong karapatan.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Tuloy-tuloy na Isulong ang Digmang Bayan sa Bago at Mas Mataas na Antas!
------------------------------------------------------------------
CPP/NPA/NDF Website
http://theprwcblogs.blogspot.com/
http://www.philippinerevolution.net/
http://www.ndfp.net/joom15/
links:
http://theprwcblogs.blogspot.com/2012/11/taktikal-na-opensiba-sa-isabela.html#more
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment