links: http://theprwcblogs.blogspot.com/2014/05/video-resist-edca.html
Iprotesta ang paglustay ng P71 milyon para sa pagliliwaliw ng malalaking dayuhang kapitalista sa World Economic Forum
Partido Komunista ng Pilipinas
Mayo 19, 2014
Translation: Protest the P71 million World Economic Forum junket for foreign big capitalists
Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa sambayanang Pilipino sa pagtuligsa sa rehimeng Aquino sa paglustay ng P71 milyon para sa mga dayuhang ehekutibo ng mga korporasyon at upisyal ng gubyerno na nakatakdang lumahok sa pagliliwaliw sa World Economic Forum sa East Asia sa Shangri-La Hotel sa Makati sa May 21-23.
Ang halagang ginagasta ng rehimeng Aquino para magbigay ng labis-labis na akomodasyon sa mga ehekutibo at upisyal ay tahasang iskandaloso kung ikukonsidera kung paanong patuloy na nagdurusa sa pagpapabaya ng gubyerno ang daan libong mga biktima ng superbagyong Yolanda, kung paano iniinda ng mga kabataan at kanilang mga magulang ang panibagong bugso ng pagtaas ng matrikula, kung paano pinapasan ng mga manggagawa ang mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa trabaho sa araw-araw, kung paano pinagkakaitan ang mga maralita ng akses sa de-kalidad na serbisyo publikong pangkalusugan at kung paano inaagawan ng lupa ang mga magsasaka.
Isang kalipunan ng malalaking monopolyo kapitalista ang WEF mula sa mga imperyalistang bansa at ng kanilang malalaking kasosyong kumprador sa mga kliyenteng estado. Sa nakaraang mga taon, nagsilbi itong plataporma ng malalaking dayuhang kapitalista upang itaguyod ang neoliberalismo at itulak ang mga gubyerno na ipatupad ang mga inirerekomendang patakaran nito.
Idinadaos sa Maynila ang World Economic Forum ng East Asia upang makatulong sa pagtataguyod ng kasinungalingang "Philippine Miracle". Ang tinaguriang "himalang" ito ay walang iba kundi isang ilusyong nilikha ng malaking pasok ng dayuhang dagliang kapital sa lokal na pamilihan sa pinansya at ispekulasyon sa konstruksyon ng mga kondominyum at mga upisina. Bumubuhos ang labis na salapi sa Pilipinas habang nagpapatupad ang mga gubyerno ng US at China ng patakaran ng quantitative easing para suhayan ang malalaking bangko.
Ilalako ng WEF sa East Asia ang "Philippine Miracle" sa panahong malalantad na ito bilang isang salamangka. Nakatakdang maglaho ang ekonomyang bula ng Pilipinas habang ang di-mapigilang aktibidad ng konstruksyon ay nagresulta sa papalaking bilang ng mga nakatiwangwang na yunit residensyal at mga bakanteng upisina habang mas naging mahigpit at mahirap pakinabangan ang mga programang pampinansya. Habang gumagawa ng pampinansyang pagsasaayos sa US at China, tulad ng pagbabawas ng quantitative easing noong kalagitnaan ng 2013, nakatakdang tumalilis ang dayuhang dagliang pamumuhunan mula sa sistemang pampinansya ng Pilipinas na pag-uulit sa nangyaring krisis ng 1997.
Isang malaking ilusyon ang ipinamamarali ni Aquino na mabilis na paglago ng ekonomya, kung ang karaniwang Pilipino ang tatanungin. Ang litanya niya ng "paglagao mula sa loob" ay walang kahulugan sa mga manggagawa at magsasakang patuloy na nagdurusa mula sa laganap na kawalang trabaho, mababang sahod at sumisirit na presyo ng pagkain, gamot at iba pang batayang produkto at serbisyo. Walang pundasyong industriyal ang ekonomya ng Pilipinas. Nananatiling hindi natutupad ang pangakong reporma sa lupa habang ang milyun-milyong magsasaka ay patuloy na dumaranas ng laganap na kawalang-lupa, maliit na kita at kahirapan.
Sa tulong ng malalaking dayuhang kapitalista, gagamitin din ng rehimeng Aquino ang WEF bilang dagdag na pag-endorso sa kanyang patakarang pang-ekonomya upang pababain ang sahod, isailalim ang mga manggagawa sa mas mapang-aping pleksibleng pakana sa trabaho, sa ibayong pagtatanggal ng mga restriksyong pangkapaligiran at sa pagpapahintulot sa mga dayuhang kapitalista na kontrolin ang malalawak na ektaryang lupain.
Palalakasin ng World Economic Forum ang sigaw ng malalaking dayuhang negosyo para sa pagbago ng konstitusyon para sa lubusang liberalisasyon. Ieendorso nito ang pang-ekonomyang integrasyon ng ASEAN na magtatakda ng pag-aalis ng lahat ng restriksyon sa kalakalan at pamumuhunan sa ASEAN sa pagtatapos ng 2015. Tuwang-tuwa ang malalaking dayuhang kapitalista sa prospek ng integrasyon ng ASEAN dahil tatanggalin nito ang natitirang mga sagka sa pagpasok at paggalaw ng dayuhang kapital sa ASEAN.
Nakikiisa ang PKP sa sambayanang Pilipino sa pagtatakwil sa World Economic Forum sa East Asia at sa pagbasura sa mga rekomendasyon nito upang ibayong iliberalisa ang mga patakaran sa kalakalan at pamumuhunan at sa ibayong pagpapababa sa sahod ng mga manggagawa. Magsisilbi ang gayong patakaran upang panatilihin ang atrasado at mapang-aping malakolonyal at malapyudal na sistema.
Iginigiit ng sambayanang Pilipino ang pagwawakas sa kronikong krisis sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng gayong hakbangin na may malinaw na plano para sa sosyalistang pagsulong, matatamasa ng sambayanang Pilipino ang katarungang panlipunan at mabilis na modernisasyon ng ekonomya.
-------------------------------------------

Papanagutin ang rehimeng Aquino sa pagkamatay ng anak ni Andrea--PKP
Partido Komunista ng PilipinasMayo 20, 2014
Translation: Hold Aquino responsible for death of Andrea’s baby—CPP
Ang pamunuan at buong kasapian ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ay nakikiramay sa bilanggong pultikal na si Andrea Rosal at sa kanyang buong pamilya sa di-napapanahong pagpanaw ng kanyang dalawang-araw na taong gulang na anak na si Diona, matapos magkaroon ng hypoxemia, o kakulangan ng oxygen sa dugo.
Ang pagkamatay ni Baby Diona ay walang dudang nakaugnay sa di-makataong kundisyong dinanas ni Andrea sa kanyang selda at ng pagkakait ng kalingang pangkalusugan bago manganak.
Halos dalawang buwan bago siya magsilang, pinanatili si Andrea Rosal sa kulungan kasama ang 30 iba pang bilanggo. Simula nang makulong sa Camp Bagong Diwa, hindi na siya nakatanggap ng kinakailangang kalingang medikal para sa mga buntis. Pinagkaitan siya na magkaroon ng bentilador sa gitna ng mataas na temparatura ng klima. Pinahihiga siya sa sementadong sahig.
Sa kabila ng pagkakaroon ng utos mula sa korte, dinala lamang si Andrea sa ospital noong dalawang araw nang humihilab ang kanyang sinapupunan. Isang araw matapos niyang mailuwal ang sanggol, iniutos ng mga pulis, militar at mga upisyal ng kulungan na ibalik kaagad siya sa kulungan na tahasang pagbalewala sa kalagayang hindi pa siya ganap na nakakarekober sa panganganak at sa trauma na resulta ng pagkamatay ng kanyang sanggol.
Nakikiisa ang PKP kay Andrea, sa kanyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta, sa kanyang mga abogado, doktor at mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao, sa pagbatikos sa rehimeng Aquino dahil sa di makataong kundisyon ng pagkakapiit at pagkakait ng kalingang medikal kay Andrea. Nagkakaisa ang sambayanang Pilipino sa pagpapanagot sa rehimeng Aquino, laluna ang mga upisyal sa pulisya at militar nito, sa pagkamatay ni Baby Diona.
Nakikisa ang PKP sa lumalakas na sigaw para sa kagyat na pagpapalaya kay Andrea Rosal mula sa pagkakakulong. Kinukondena nito ang mga gawa-gawang kaso ng pangingidnap na isinampa laban sa kanya sa imbing pagsisikap na bigyang-matwid ang pag-aresto at patuloy na detensyon sa kanya. Tulad ng idinidiin ni Andrea, malisyoso siyang kinasuhan bilang mataas na upisyal ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ng mga upisyal ng militar upang ipaghambog ang kanilang "tagumpay" sa pagkaaresto sa kanya.

OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
http://www.philippineinsurgency.co.nr/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:
Post a Comment