Friday, July 22, 2016

PAKIKIISA SA MGA MAGSASAKA NG TK SA OKASYON NG RURAL POOR SUMMIT



From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF/JOMA SISON
links: http://josemariasison.org/pakikiisa-sa-mga-magsasaka-ng-tk-sa-okasyon-ng-rural-poor-summit/

PAKIKIISA SA MGA MAGSASAKA NG TK SA OKASYON NG RURAL POOR SUMMIT


Ni Prop. Jose Maria Sison Tagapangulo
International League of Peoples’ Struggle
Hulyo 18, 2016


Mga kababayan at mga kaibigan,

Sa ngalan ng International League of Peoples’ Struggle at bilang Tagapangulo nito, nagpapaabot ako ng maalab na pagbati at pakikiisa sa KASAMA-TK at lahat ng kalahok sa paglulunsad ng ”Rural Poor Summit” at Kampuhan ng Magsasaka sa ika- 18 ng Hulyo sa Kagawaran ng Repormang Agraryo, Quezon City.


Mahalagang pagkakataon ito na alamin ang kalagayan at mga kahilingan ng mga maralita sa kanayunan at ibayong palakasin ang pagkakaisa nila. Masaya at makabuluhan ang pagtitipong ito ng mga sektor ng magsasaka, manggagawang bukid, mangingisda at katutubo sa rehiyon ng Timog Katagalugan.

Mainam na ang kampuhan ay gaganapin hanggang ika-24 ng Hulyo nang sa gayon maisagawa ninyo ang serye ng pakikipagtalakayan sa ibat ibang ahensya ng gobyerno at masalubong ninyo ang unang SONA ng bagong pangulo. Tamang tuunan ang pangangailangang magsagawa ng tunay na reporma ng lupa sa ating bayan. Ito ay mapagpasya at masasabi pang isang buhay-at-kamatayang isyu sa ating lipunan.

Dapat tapusin ang pagsasamantala at pang-aapi sa sektor ng magsasaka. Kaiba sa mga nagdaang rehimen, nagbibigay ang Pangulong Rody Duterte ng mga palatandaan na nais niyang magkaroon ng mahalagang mga pagbabago sa ating lipunan.

Kasama sa mga palatandaang ito ang pagtatalaga kay Ka Paeng Mariano bilang kalihim ng Kagawaran ng Repormang Agraryo at ang ilang pahayag ng pangulo na kailangang tugunan ang mga pangangailangan at karaingan ng mga maralita sa kanayunan.

Pinupuri ng ILPS ang Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) bilang panrehiyong pederasyon ng mga samahan ng magsasaka sa Timog Katagalugan. Matagumpay ito sa pagpapalakas at pagpapasigla sa kilusang magsasaka sa rehiyon.

Wasto ang linya ng KASAMA-TK na dapat mapalaya ang uring magsasaka at ibang maralita sa kanayunan sa pamamagitan ng sarili nilang pagkilos upang wakasan ang mga pyudal at malapydual na pagsasamantala sa pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa sa makabayan at progresibong balangkas na ang kaakibat ay pambansang industriyalisasyon para kamtin ang komprehensibong pag-unlad sa ekonomya at buong lipunan.

Inaasahan naming ibayo pa ninyong palalawakin, palalakasin at mobilisahin ang inyong organisadong pwersa at ang malawak na masa ng mga kaalyado ninyo para isakatuparan ang mga prinsipyo at programa ninyo.
.
Mabuhay ang KASAMA-TK!
Isulong ang mga pakikibaka ng mga maralita sa kanayunan!
Mabuhay ang mga anakpawis!
Isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!


CPP/NPA/NDF Website










OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES





PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment