From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.philippinerevolution.info/statements/20180518-pakilusin-ang-sambayanang-kristyano-at-makibahagi-sa-pagsusulong-ng-usapang-pangkapayapaan
Ang pagpapatibay sa mga batayan upang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng Pambansang Nagkakaisang Prente o NDFP ay pangunahing isinusulong ng buong kasapian ng Christians for National Liberation (CNL – NCR) sa kalanghang Maynila.
Ang panlipunang karapatan ng mamayang Pilipino at ng sambayanang Kristyano sa isang mapayapang buhay na nakabatay sa katarungan at pagkakapantay-pantay ay sapat na dahilan upang muling buksan ang negosasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Bilang kasaping organisasyon ng NDFP, ang CNL-NCR ay mahigpit na inaatasan ang lahat ng kasapi nito sa loob at labas ng mga institusyon at organisasyon ng simbahang Katoliko, Protestante, Evangelicals, at iba pang pormasyong Kristyano na makiisa at pagtibayin ang suporta para sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.
Ikinagagalak ng CNL-NCR ang mga positibong kaganapan sa mga “informal talks” sa pagitan ng GRP at NDFP na nagiging daan para maihanda ang panunumbalik ng parehong panig sa pormal na pag-uusap.
Nananawagan ang CNL-NCR sa GRP na igalang ang mga nauna nang napirmahang kasunduan, tulad ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG), at bigyang daan ang pag-upo at pakikilahok ng mga peace consultants ng NDFP sa usapan.
Mahalaga ang paglahok sa usapang pangkapayapaan ng mga peace consultants na ngayon ay napilitang magtago dahil sa inilabas na proscription list ng Department of Justice upang ideklarang terorista ang higit sa 600 katao at ang mga organisasyong Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan.
Iginigiit ng CNL-NCR sa gobyerno ni Rodrigo Duterte ang pagbawi at pagbasura sa nasabing proscription list at ang pagpapalaya sa mga iligal na inaresto’t ikinulong na peace consultants tulad ni Raffy Baylosis.
Hindi magiging ganap ang pagtalakay sa mga mahahalagang paksa ng usapang pangkapayapaan kung ang mga NDFP consultants, na may malawak na pagsisiyasat sa mga isyu at kalagayan ng mga sektor, ay hindi makakadalo dahil sa banta sa kanilang seguridad.
Taas kamao kaming nagpupugay sa lahat ng taong simbahan at sa mamamayang Kristyano na walang pagod na iniaalay ang kanilang panahon at buhay para paglingkuran ang malawak na bilang ng masang naghahangad ng ganap na kapayapaan.
Habang patuloy na nakikibahagi ang CNL-NCR sa pagpapalakas ng armadong pakikibaka sa kanayunan, kaisa ng NDFP ang CNL sa pagsusulong nito ng usapang pangkapayapaan.
Katuwang ng NDFP ang CNL sa pagtitiyak na makamtan ng sambayanang Pilipino at ng mamamayang Kristyano ang mga naging bunga at maaaring maging tagumpay ng pakikipag-usap sa reaksyunaryong rehimen.

CPP/NPA/NDF Website
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:
Post a Comment