From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/angbayan/araw-ng-kalayaan-maagang-ginunita-sa-new-york/
Daan-daang pamilya sa Maguindanao, Lanao at Ifugao, lumikas dahil sa pambobomba at militarisasyon
Araw ng Kalayaan, maagang ginunita sa New York
Bilang
maagang paggunita sa ika-124 taon ng kalayaan ng Pilipinas, nagmartsa
ang mga myembro ng Malaya Movement at Makibaka Coalition kasama ang
1Sambayan US sa Madison Avenue, New York City sa US. Daan-daan ang
nakiisa sa protesta na may panawagang “Never Forget!” Para sa Makibaka
Coalition, ang laban para sa demokrasya ay nagpapatuloy laluna sa harap
ng panunumbalik ng mga Marcos at Duterte sa Malacañang.
Inihayag
din nila ang nagkakaisang tindig ng mga Pilipino at mga organisasyon sa
US para sa makamasang pagbabago at pag-unlad; panawagan para sa
pagwawakas ng korapsyon at dinastiya na nagpapatindi ng kahirapan ng
mamamayan. “Itinatakwil namin si Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte
dahil kinakatawan nila ang awtoritariyan, dinastiko at mapanlinlang na
katangian ng pulitika sa bansa,” ayon sa Makibaka Coalition. Anila,
malinaw na ang administrasyong Marcos-Duterte ay nanalo sa pamamagitan
ng pandaraya, disimpormasyon at karahasan na pinamahalaan mismo ng mga
alipures ni Duterte at pinondohan ng kaban ng mamamayan.
“Dapat
managot ang pamilyang Marcos sa $10 bilyon na kanilang dinambong, ₱203
bilyong buwis na hindi nila binayaran at malawakang paglabag sa
karapatang-tao sa panahon ng batas militar,” ayon sa mga nagprotesta.
Gayundin
binigyang-diin nila na dapat isakdal si Duterte sa kanyang mga krimen
sa sangkatauhan na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 3,500
Pilipino.
Nakatunghay ang buong bayan sa pinakanotoryus na
kumbinasyon ng oligarkiya sa kasaysayan ng bansa, anila. Ngayon, higit
kailanman, dapat na magpunyagi sa pakikibaka para sa tunay na
demokrasya. Krusyal ang susunod na mga taon para irehistro ang
pagtatakwil sa kronyismo at pagbabaluktot sa kasaysayan.
CPP/NPA/NDF Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment