From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/angbayan/2-tagapagtanggol-ng-karapatan-ng-katutubo-dinukot-ng-militar/
2 tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo, dinukot ng militar
Pinaghihinalaang
dinukot ng mga sundalo ang dalawang Mangyan sa Sityo Buol, Barangay
Santa Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro noong Abril 24. Sa ulat ng
grupong Karapatan-Southern Tagalog, tatlong araw nang hindi matunton ang
kinaroroonan nina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga
tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo at kasapi ng Bigkis at Lakas
ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK). Hinahanap sila ngayon
ng kanilang mga pamilya.
Ayon sa mga kaanak, ang dalawa ay nasa
nabanggit na sityo para mag-imbestiga sa mga kaso ng paglabag sa
karapatang-tao ng mga katutubong Mangyan.
Noong Oktubre 2022,
kinanyon ng 23rd IBde ang Barangay Santa Teresita at kalapit na Barangay
Waygan. Tinatayang higit 6,000 mamamayan, kabilang ang mga Mangyan, ang
apektado ng insidente. Naitala rin ang mga kaso ng pambubugbog at
iligal na pang-aaresto sa mga Mangyan ng 4th IB noong huling kwarto ng
2022.
“Bilang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at organisador
ng katutubo, tumungo sa Mansalay, Oriental Mindoro sina Lizada at
Aumentado upang mag-imbestiga. Nakumpirma nilang gaya ng mga paunang
ulat, imbwelto ang 203rd IBde at 4th IB sa mga paglabag sa International
Humanitarian Law (IHL), tulad ng panggigipit at walang pakundangang
pambobomba sa mga katutubong pamayanan,” pahayag ng Karapatan-Southern
Tagalog.
Ayon sa grupo, nangangamba ang pamilya at mga mahal sa
buhay nina Lizada at Aumentado sa sinapit ng dalawa. Giit ng pamilya,
“makauwi sana ang dalawa nang ligtas sa lalong madaling panahon dahil
ang tanging hangarin lamang nila ay tumulong sa mga katutubo roon.”
Dumulog
na sa lokal na gubyerno ng Mansalay, Commission on Human Rights, mga
abugado, mamamahayag, at kapwa human rights defenders na imbestigahan at
aksyunan ang pagkawala ng dalawang miyembro ng BALATIK ang
Karapatan-Southern Tagalog.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment