From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://philippinerevolution.nu/2023/04/21/pagbansag-na-terorista-sa-konsultant-ng-ndf-kinundena/
Pagbansag na terorista sa konsultant ng NDF, kinundena
Kinundena
ng National Democratic Front of the Philippines ang pagbansag na
terorista sa isa sa mga konsultant nito sa usapang pangkapayapaan. Ito
ay matapos iparada ng mga pulis si Eric Casilao sa harap ng midya at
publiko para pahiyain at kutyain. Nadakip si Casilao habang tumatawid
mula sa Malaysia tungong Thailand noong Abril 1. Idineport siya sa
Pilipinas noong Abril 17.
Samantala, nagpapatuloy ang pasistang paninibasib sa kanayunan.
Sa Negros Occidental, binaril ng 62nd IB ang magsasakang si Jose Albores Jr sa Sityo Upper Tiyos, Barangay Quinten Remo, Moises Padilla, Negros Occidental noong Abril 18. Nagsilbi siyang testigo sa panggigipit ng militar sa kanyang kapitbahay kaya siya pinatay.
Sa Misamis Oriental, brutal na pinatay ng 58th IB ang magsasakang si Ricardo Hilogon sa Sityo Tapol, Barangay Banglay, Lagonglong noong Abril 3. Si Hilogon ay dating kasapi ng BHB at matagal nang tumigil sa pagkilos.
Pag-aresto at panggigipit. Iligal na inaresto ng 62nd IB ang mag-asawang sina Jerry Montefalcon, 49, at Maricel Alper sa kanilang bahay sa Sityo Natuling, Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental nong Abril 15.
Sa Palawan, anim na residente ng Brooke’s Point na kalahok sa barikadang bayan kontra sa pagmimina ng Ipilan Mining Corporation ang iligal na inaresto ng mga pulis noong Abril 14.
Iligal na pinasok ang tahanan ng magsasakang si Aileen G. Estiller ng mga pwersa ng estado noong Abril 6 sa Sityo Kaloko, Barangay Sta. Barbara, Bulusan. Ninakaw ang kanyang mga alagang hayop at kagamitan.
Atake sa komunidad. Di bababa sa anim na komunidad sa mga bayan ng Isabela at Binalbagan, Negros Occidental ang hinahalihaw ng mga pwersa ng 94th IB at 62nd IB mula Abril 10 hanggang sa kasalukuyan. Dahil sa dagsa ng mga sundalo at perwisyo ng mga tsekpoynt, napilitan ang mga upisyal ng Barangay Payao, Binalbagan, na isuspinde ang klase noong Abril 12. Inistraping din ng mg sundalo ang bahay ng pamilyang But-ay sa Sityo Pallacon sa naturang barangay noong Abril 11.
Nagaganap ang parehong panghahalihaw ng militar sa Moises Padilla at Himamaylan City sa Negros Occidental at Guihulngan City sa Negros Oriental hanggang ngayon.
Sa Agusan del Sur, pinaulanan ng bala ng mga pang-atakeng helikopter ng AFP ang Sityo San Miguel, Barangay Pinagalaan, Bayugan City noong Abril 16. Pinalalabas ng mga sundalo na nagkaroon ng eng-kwentro sa pagitan nila at ng BHB.
CPP/NPA/NDF Website
Article links:
https://philippinerevolution.nu/2023/04/21/pagbansag-na-terorista-sa-konsultant-ng-ndf-kinundena/
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment