From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://cpp.ph/angbayan/konsulant-ng-ndfp-at-mga-aktibista-iligal-na-inaresto/
Konsulant ng NDFP at mga aktibista, iligal na inaresto
Magkakasunod
na inaresto ng mga ahente at pwersang militar ng rehimeng Duterte ang
isang retiradong konsultant pangkapayapaan ng National Democratic Front
of the Philippines (NDFP) at mga aktibista sa loob ng apat na araw.
Nakapiit
ngayon sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna ang retiradong
konsutant pangkapayapaan ng NDFP para sa Southern Tagalog na si Ernesto
Lorenzo kasama sina Maria Fe Serrano at Plinky Longhas matapos arestuhin
ng mga pulis habang nakapila sa pagpapabakuna kontra Covid-19 sa
Paranaque City noong Abril 11.
Bilang konsultant ng NDFP, si
Lorenzo ay may ligal na proteksyon ng Joint Agreement on Safety and
Immunity Guarantees (JASIG) na nagbibigay sa kanya ng kaligtasan mula sa
mga paniniktik at pag-aresto ng estado. Mayroon siyang mga dokumento at
JASIG identification number 978299 sa ilalim ng pangalang Lean
Martinez.
Samantala, hindi pinayagang makabisita at magdala ng
pagkain ang mga kapamilya at taong simbahan sa Camp Vicente Lim noong
Abril 12. Nagdulot ito ng pangamba sa pamilya at kaibigan ng mga
inaresto sa mga paglabag sa kanilang mga karapatan.
Nagprotesta
naman sa Calamba City sa parehong araw ang mga grupo sa karapatang-tao
para igiit ang kagyat na pagpapalaya sa kanila at ibang bilanggong
pulitikal.
“Iginigiit namin ang kagyat na pagpapalaya kay
Lorenzo at kanyang mga kasama,” pahayag ni Marco Valbuena, hepeng
upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas.
“Iginigiit
namin sa rehimeng Duterte na wakasan ang patakaran ng panunupil laban
sa mga tauhan at konsultant pangkapayapaan ng NDFP. Ang pag-aresto kay
Lorenzo ay kasunod ng kamakailang pag-aresto kina Esteban Manuel sa
Samar, at Edwin Alcid sa Northern Samar, at ang pagdukot at pagpaslang
kay Ezequiel Daguman sa Davao del Norte noong nakaraang buwan,” dagdag
ni Valbuena. Umaabot na sa 12 ang konsultant pangkapayaan ng NDFP ang
nakakulong.
Isang araw bago nito, inaresto naman sa kanyang
bahay sa Cagayan de oro City si Aldeem Yañez, isang lay worker ng
Iglesia Filipina Independiente (IFI). Nireyd ng mga pulis madaling araw
nang Abril 10 ang kanyang bahay at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso.
Dati
nang inaresto noong Hunyo 2018 si Yañez, kasama ang 12 iba pa, sa mga
paratang na may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan at pagiging
mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan.
Kasunod ang mga pag-arestong
ito, iligal ding dinakip at ikinulong ang ikaapat na nominado ng
Anakpawis Party-list noong Abril 8 sa gawa-gawang mga kaso ng illegal
possession of firearms and explosives.
“Ang umiigting na mg
atake ng rehimeng Duterte laban sa NDFP gayundin sa mga aktibista at
tagasuporta ng oposisyon sa pulitika ay senyales ng tumitinding
desperasyon nito na mangunyapit sa kapangyarihan,” saad ni Valbuena.
CPP/NPA/NDF Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment