Friday, December 06, 2024

Kasong "terrorism financing" sa lider ng Cordillera People's Alliance at iba pa, kinundena

 

 

From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article:  https://philippinerevolution.nu/angbayan/kasong-terrorism-financing-sa-lider-ng-cordillera-peoples-alliance-at-iba-pa-kinundena/



Kasong "terrorism financing" sa lider ng Cordillera People's Alliance at iba pa, kinundena

agdagdagan na naman ang mga biktima ng panggigipit ng rehimeng Marcos sa pagkakaso ng “terrorism financing” o paglabag sa Terrorist Financing Prevention and Suppression Act (TFPSA). Tinarget nito ang myembro ng Cordillera People’s Alliance (CPA) na si Sarah Alikes at bago niya, ang ilang mga lider ng Katinnulong Daguiti Umili Ti Amianan (KADUAMI, Inc.) at kasapi ng Ilocos Regional Ecumenical Council.

Kinundena ng Cordillera Human Rights Alliance (CHRA) ang tinawag nitong walang batayang reklamo laban kay Alikes. Ang reklamo, na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 14 (PNP CIDG RFU 14) sa pamamagitan ni Patrolman Jamil G. Tay-og, ay humantong na sa paglalabas ng mandamyento de aresto laban kay Alikes ng Branch 73 ng Urdaneta Regional Trial Court.

Nag-ugat ang reklamo sa paratang ng mga pulis na pinondohan ni Alikes ang pag-atake ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa Philex Mining Corporation noong Pebrero 2017 sa Itogon, Benguet. Inako ng Panrehiyong Kumand ng BHB sa Ilocos-Cordillera (Chadli Molintas Command) ang pagsunog sa dalawang trak ng kumpanya noong buwan na iyon.

Ayon sa CHRA, sa panahong iyon ay inaresto na si Alikes dahil sa naunang paratang na kabilang siya sa naglunsad ng pag-atake. Pinaratangan siya noon ng panununog at pagnanakaw, at ipinawalang sala rin ng korte sa mga kasong ito noong Hulyo 2018 dahil sa kawalan ng ebidensya.

Sa kabila ng pagwawalang-sala sa kanya, inakusahan naman siya ngayon ng PNP CIDG RFU 14 ng pagpopondo sa naturang panununog ng BHB, ayon pa sa CHRA. “Ang panibagong akusasyon na ito, na isinampa noong Marso 15, 2024, ay isa na namang porma ng judicial harassment,” pahayag pa ng grupo.

Kabilang din si Alikes sa mga lider ng CPA at iba pang aktibista na arbitraryong binansagan na terorista ng Anti-Terrorism Council sa bisa ng ATC Resolution No. 41 nito. Kinwestyon na rin nila ito sa isang korte. “Sa pagitan ng 2018 hanggang 2023, kumaharap si Alikes sa patung-patong na mga kaso kabilang ang pagpatay, bigong pagpatay at paglabag sa internasyunal na makataong batas, at rebelyon,” pahayag ng CHRA. Anang grupo, lahat ng mga ito ay ibinasura dahil hindi mapatunayan sa korte.
“Project Exit the Greylist” ng rehimeng Marcos

Nanawagan ang Defend NGOs Alliance-Northern Luzon na imbestigahan ang “Project Exit the Greylist” ng rehimeng Marcos na ginagamit nito para sampahan ng kasong “terrorism financing” ang iba’t ibang organisasyon at grupong pangkaunlaran sa bansa. Ibinahagi ng alyansa na lumitaw ang sikretong dokumentong ito sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng gubyerno kaugnay ng kasong “terrorism financing” laban sa mga lider ng KADUAMI Inc.

Ayon sa alyansa, liban pa sa “Project Exit the Greylist” ay mayroon ding lumitaw na 2021 “Order of Battle” kung saan nakalista sa mga sasampahan ng kaso ang kilalang mga taong simbahan, manggagawang pangkaunlaran at aktibista. “Nagbibigay ito ng indikasyon sa sistematikong patakaran at programa na targetin ang mga non-profit at non-government na organisasyon,” pahayag ng alyansa.

Noong Nobyembre 25, nagpadala ng reklamo ang KADUAMI Inc sa House of Representatives at Commission on Human Rights kaugnay ng patakarang ito. Dito nila ipinahayag ang pormal na panawagan na imbestigahan ito ng nararapat na mga institusyon ng gubyerno. Samantala, naghain ng tugon sina Lenville Salvador at Petronila Guzman ng KADUAMI Inc at Myrna Zapanta ng ICRED sa Department of Justice noong Disyembre 2 bilang bahagi pa rin ng paunang imbestigasyon sa kasong “terrorism financing” na isinampa laban sa kanila.

Bago nito, binatikos ng KADUAMI Inc ang pagmamanman sa kanila ng hinihinalang mga pwersa ng estado noong Nobyembre. Naitala nila ang limang pagkakataon ng pagmamanman ng mga ito sa kanilang mga kasapi at upisina.


Pagpapaulan ng bala ng 80th IB sa gitna ng mataong komunidad sa Laguna, kinundena



CPP/NPA/NDF Website



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

--------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
----------------------------
-

0 comments:

Post a Comment