From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article :https://philippinerevolution.nu/statements/imbestigahan-at-panagutin-ang-2nd-ibpa-sa-walang-habas-na-pamamaril-sa-kabahayan-sa-bayan-ng-dimasalang/
Imbestigahan at panagutin ang 2nd IBPA sa walang habas na pamamaril sa kabahayan sa bayan ng Dimasalang
Tuwirang paglapastangan sa karapatan at makataong batas sa digma ang ginawang pamamaril ng hindi bababa sa 20-kataong pwersa ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army (2nd IBPA) sa Sityo Balunos, Barangay Rizal, Dimasalang nitong Enero 19, alas-3:30 ng hapon. Natamaan sa likod ang dating barangay kagawad at magsasaka na si Marcial Detalo, 61-anyos.
Kinagabihan, nagdagdag pa ng karagdagang pwersa ang militar at inokupa ang lugar. Kinaumagahan, Enero 20, alas-8 ng umaga, ipinatawag at tinipon nito ang mga residente sa baryo kung saan inako mismo ng militar na sila ang nakabaril kay Detalo. Taliwas ito sa ilinabas na pahayag ng militar sa midya na ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nakabaril sa biktima.
Binalaan rin ng militar ang mga residente na hindi dapat makipag-ugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Galit na galit naman ang mga residente sa lugar. Ayon sa kanila, madali lang sa militar na ilagay sa peligro ang kanilang mga buhay at patayin. Patunay rito ang hindi pagsaalang-alang sa kanilang kaligtasan bago niratrat ang kanilang kabahayan.
Nananawagan ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa Masbate sa KARAPATAN at iba pang organisasyong nagtatanggol at nangangalaga sa karapatang-pantao na imbestigahan ang sunud-sunod nang mga krimeng kinasasangkutan ng militar sa prubinsya. Higit sa lahat, tulungan ang mga biktima na mapanagot ang mga kriminal na militar at makamit ang hustisyang nararapat sa kanila.
Nananawagan rin ang PKM-Masbate sa mamamayang Masbatenyo na magkaisa upang ilantad at labanan ang mga militar na walang ibang ginagawa kundi maghasik ng karahasan sa prubinsya ng Masbate. Patuloy na manindigan para ipagtanggol ang karapatan at lumaban upang bigyang hustisya ang mga biktima ng karahasan ng pwersa ng estado. At singilin ang rehimeng US-Marcos Jr sa pagpapailalim sa prubinsya sa batas militar na nagbigay-laya sa mga militar at pulis upang lapastanganin ang karapatan ng mamamayang Masbatenyo.
Panagutin ang 2nd IBPA sa krimen nito sa masang Masbatenyo!
Palayasin ang militar sa kanayunan ng Masbate!
Imbestigahan at panagutin ang 2nd IBPA sa walang habas na pamamaril sa kabahayan sa bayan ng Dimasalang
CPP/NPA/NDF Website
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
-------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
0 comments:
Post a Comment